Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at internet, patuloy rin ang pag-usbong ng mga panibagong espasyong para sa komunikasyon at representasyon. Ang pagsilang ng mga social networking site (SNS) katulad ng Twitter, na isa sa mga pinakapopular na SNS sa bansa, at ang patuloy na pagtangkilik at pagg...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2022
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/5 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1010&context=etdb_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdb_fil-1010 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdb_fil-10102022-12-20T07:46:23Z Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter Genecera, Jezryl Xavier T. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at internet, patuloy rin ang pag-usbong ng mga panibagong espasyong para sa komunikasyon at representasyon. Ang pagsilang ng mga social networking site (SNS) katulad ng Twitter, na isa sa mga pinakapopular na SNS sa bansa, at ang patuloy na pagtangkilik at paggamit nito ng mga Pilipino ay patunay lamang sa mayamang kulturang internet na matatagpuan sa Pilipinas. At lutang na lutang ang ganitong gamit ng internet sa hanay ng mga baklang Pilipino sa pag-usbong ng tinatawag na alter Twitter community, na siyang manipestasyon sa patuloy na pagtuklas ng mga bakla sa internet bilang abenida upang harapin at/o makipagtunggalian sa kanilang mga sarili, makipag-ugnayan sa kapwa bakla, at buuin ang kanilang identidad sa gitna ng isang patriyarkal at heteronormatibong lipunan. Tinuklas ng pag-aaral na ito ang pagbubuo ng mga bakla sa kani-kanilang mga identidad sa tulong ng alter Twitter, habang sinipat rin ang nilalaman ng alter Twitter bilang isang baklang espasyo, ang pagtatanghal na isinasagawa ng mga bakla sa alter Twitter, at ang komunidad na nabubuo sa pakikipag-ugnayan ng mga alter Twitter user sa bawat isa. Naisakatuparan ang mga pagtuklas na ito sa pamamagitan ng personal na pagsipat ng mananaliksik sa mundo ng alter Twitter, at sa pakikipanayam sa limang alter Twitter user na maituturing na mga exhibtionist alter user at wholesome alter user, ayon sa kategorisasyon ng mga alter user nina Piamonte, et. al. Sa pagpapalalim ng nakalap na datos, ginabayan ang mananaliksik ng konsepto ng Eight Dimensions of Cyberpsychology ni Suler at ng Teoryang v Rampa ni Madula na nagsiwalat ng mga susing kabatiran ukol sa mundo ng alter Twitter at pagganap ng mga bakla sa naturang espasyo. Sa pakikipanayam sa mga baklang alter Twitter user, lumalabas na tumatawid mula sa personal at sa sosyal ang mga motibasyon sa pagkakaroon ng alter Twitter account at paglahok sa komunidad. Ang identity dimension ng arkitektura ng Twitter bilang isang cyberspace, na nagbibigay sa kanila ng belo ng anonymity, ang susi sa pagtupad ng kanilang mga layunin sa plataporma, at naitatanghal nila ang kanilang mga sarili sa tulong ng text at sensory dimension ng Twitter, sa anyo ng mga tweet, larawan at bidyo, fleets, at malay na pagpili ng mga elemento ng kanilang buhay na ilalakip sa kanilang mga profile. Samantala, nabubuo ang komunidad ng alter Twitter bunsod ng social dimension ng naturang SNS, dahilan upang makipag-ugnayan at makipagkaibigan ang mga bakla sa mga kapwa alter user para sa mga sekswal at ‘di-sekswal na mga layunin, at maitaguyod ang isang espasyo para sa diskurso at talaban ng mga kwento’t ideya. Sa proseso ng pagtatanghal ng mga bakla ng kanilang mga sarili, at sa pagtatala ng kanilang mga danas, kwentong buhay, at naratibo sa naturang espasyo, sila ay naglalakbay mula sa kanilang nakaraan at tungo sa kasalukuyan. Nalilikha at naangkin nila ang kanilang sariling baklang espasyo. Sa pagrampa ng mga baklang alter user sa alter Twitter, sama-sama nilang inaangkin ang kapangyarihan sa kani-kanilang espasyo sa mukha ng isang mundong pinagkakaitan silang kilalanin at bigyang-karapatan. Susing salita: Twitter, bakla, alter, rampa, baklang espasyo 2022-12-19T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/5 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1010&context=etdb_fil Filipino Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Online social networks Gays Cyberspace Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Studies Social Media |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Online social networks Gays Cyberspace Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Studies Social Media |
spellingShingle |
Online social networks Gays Cyberspace Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Studies Social Media Genecera, Jezryl Xavier T. Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter |
description |
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at internet, patuloy rin ang pag-usbong ng mga panibagong espasyong para sa komunikasyon at representasyon. Ang pagsilang ng mga social networking site (SNS) katulad ng Twitter, na isa sa mga pinakapopular na SNS sa bansa, at ang patuloy na pagtangkilik at paggamit nito ng mga Pilipino ay patunay lamang sa mayamang kulturang internet na matatagpuan sa Pilipinas. At lutang na lutang ang ganitong gamit ng internet sa hanay ng mga baklang Pilipino sa pag-usbong ng tinatawag na alter Twitter community, na siyang manipestasyon sa patuloy na pagtuklas ng mga bakla sa internet bilang abenida upang harapin at/o makipagtunggalian sa kanilang mga sarili, makipag-ugnayan sa kapwa bakla, at buuin ang kanilang identidad sa gitna ng isang patriyarkal at heteronormatibong lipunan.
Tinuklas ng pag-aaral na ito ang pagbubuo ng mga bakla sa kani-kanilang mga identidad sa tulong ng alter Twitter, habang sinipat rin ang nilalaman ng alter Twitter bilang isang baklang espasyo, ang pagtatanghal na isinasagawa ng mga bakla sa alter Twitter, at ang komunidad na nabubuo sa pakikipag-ugnayan ng mga alter Twitter user sa bawat isa. Naisakatuparan ang mga pagtuklas na ito sa pamamagitan ng personal na pagsipat ng mananaliksik sa mundo ng alter Twitter, at sa pakikipanayam sa limang alter Twitter user na maituturing na mga exhibtionist alter user at wholesome alter user, ayon sa kategorisasyon ng mga alter user nina Piamonte, et. al. Sa pagpapalalim ng nakalap na datos, ginabayan ang mananaliksik ng konsepto ng Eight Dimensions of Cyberpsychology ni Suler at ng Teoryang v Rampa ni Madula na nagsiwalat ng mga susing kabatiran ukol sa mundo ng alter Twitter at pagganap ng mga bakla sa naturang espasyo.
Sa pakikipanayam sa mga baklang alter Twitter user, lumalabas na tumatawid mula sa personal at sa sosyal ang mga motibasyon sa pagkakaroon ng alter Twitter account at paglahok sa komunidad. Ang identity dimension ng arkitektura ng Twitter bilang isang cyberspace, na nagbibigay sa kanila ng belo ng anonymity, ang susi sa pagtupad ng kanilang mga layunin sa plataporma, at naitatanghal nila ang kanilang mga sarili sa tulong ng text at sensory dimension ng Twitter, sa anyo ng mga tweet, larawan at bidyo, fleets, at malay na pagpili ng mga elemento ng kanilang buhay na ilalakip sa kanilang mga profile. Samantala, nabubuo ang komunidad ng alter Twitter bunsod ng social dimension ng naturang SNS, dahilan upang makipag-ugnayan at makipagkaibigan ang mga bakla sa mga kapwa alter user para sa mga sekswal at ‘di-sekswal na mga layunin, at maitaguyod ang isang espasyo para sa diskurso at talaban ng mga kwento’t ideya. Sa proseso ng pagtatanghal ng mga bakla ng kanilang mga sarili, at sa pagtatala ng kanilang mga danas, kwentong buhay, at naratibo sa naturang espasyo, sila ay naglalakbay mula sa kanilang nakaraan at tungo sa kasalukuyan. Nalilikha at naangkin nila ang kanilang sariling baklang espasyo. Sa pagrampa ng mga baklang alter user sa alter Twitter, sama-sama nilang inaangkin ang kapangyarihan sa kani-kanilang espasyo sa mukha ng isang mundong pinagkakaitan silang kilalanin at bigyang-karapatan.
Susing salita: Twitter, bakla, alter, rampa, baklang espasyo |
format |
text |
author |
Genecera, Jezryl Xavier T. |
author_facet |
Genecera, Jezryl Xavier T. |
author_sort |
Genecera, Jezryl Xavier T. |
title |
Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter |
title_short |
Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter |
title_full |
Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter |
title_fullStr |
Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter |
title_full_unstemmed |
Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter |
title_sort |
alternatibong espasyo, alternatibong identidad: pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2022 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/5 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1010&context=etdb_fil |
_version_ |
1753806456505761792 |