Bigating reyna!: Pagsusuri sa pamantayang kagandahan ng mga kababaihang matabang kalahok sa bilbiling Mandaluyong gamit ang kultural na produksyon

Ang mga patimpalak kagandahan o beauty contests ay laganap sa buong bansa, mahigit ilang beses na rin nanalo ang bansa sa mga internasyonal na patimpalak kagaya ng Miss Universe. Sa bawat siyudad, mayroong sariling mga patimpalak kagandahan kung saan nais nito tampok ang kakaibang itsura, talento, a...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Benito, Daphney Andrea M.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/12
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdb_fil/article/1012/viewcontent/2023_Benito_BIGATING_REYNA__Full_text.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang mga patimpalak kagandahan o beauty contests ay laganap sa buong bansa, mahigit ilang beses na rin nanalo ang bansa sa mga internasyonal na patimpalak kagaya ng Miss Universe. Sa bawat siyudad, mayroong sariling mga patimpalak kagandahan kung saan nais nito tampok ang kakaibang itsura, talento, at talino ng mga dalagang maituturing magaganda. Sa panahon kung saan ang mga pamantayang kagandahan sa iba’t ibang beauty contests ay nagbabago, hindi maitatanggi isa ang timbang at pangangatawan ng mga kababaihan ang hinuhusgahan. Sa siyudad ng Mandaluyong, ang kakaibang patimpalak kagandahan ang pangunahing inaabangan ng mamamayan, ito ay ang Bilbiling Mandaluyong, mga kababaihang mataba o plus size ang kandidatang naglalaban. Sa likod ng patimpalak na ito ay ang kakaibang pamantayan ng kagandahan at ibang pananaw na iminungkahi sa manonood nito. Ang Bilbiling Mandaluyong ay nagsilbing malayang espasyo kung saan ang mga kababaihang mataba ay may pagkakataon na maranasan ang beauty contests na dati limitado sa kababaihang payat. Ngunit mayroong mga katangian at kultura ang patimpalak na siyang bumubuo ng mga stereotype at nagpapalaganap ng mga industriya kagaya ng entertainment sa pamamagitan ng mga katawan ng plus size. Ginamit ang metodo ng pakikipanayam sa limang kandidata ng huling taon ginanap ang patimpalak, Bilbiling Mandaluyong 2020. Natuklasan sa panayam ang buhay na kanilang dinanas bilang mga plus size, ang pakikitungo ng pamilya at komento ng kapwa, ang mga pagsasanay para sa patimpalak, hanggang sa kanilang buhay tatlong taon matapos. Ang pagsusuri sa kanilang karanasan at pagbabahagi ng kanilang kwento na siyang daan upang mas maunawaan ang mga paghihirap at pang-aapi sa mga kababaihang plus size. Bilang isang kulturang popular ang mga patimpalak kagandahan, matutunghayan sa pananaliksik ang pagbabago ng pamantayang kagandahan sa pamamagitan ng mga kababaihang mataba at ang Bilbiling Mandaluyong. Ang pagtanggap at pagtanggi ng lipunan sa mga kababaihang plus size, gayundin sa mga kandidata at ang kanilang karanasan bilang bahagi ng isang makinarya ng entertainment. Rekomenda ng pananaliksik na para sa susunod na Bilbiling Mandaluyong, ay mas kilalanin pa ang mga kandidata at makabuo ng paraan upang maipakita ang kakayahan ng mga kababaihang mataba bukod pa sa hugis ng kanilang pangangatawan.