Konserbasyon at disaster risk ng simbahan ng San Roque, bayan ng Pateros
Ang Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta, Parokya ni San Roque ay isang pamanang estruktura na matatagpuan sa munisipalidad ng Pateros, Metro Manila. Itinayo ang simbahan na yari sa adobe na materyal noong ika-1 ng Hulyo 1815. Sa mahigit 200 taong nakatayo, nakaranas ito ng pagbaha, pagbagyo, at p...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2023
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/13 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdb_fil/article/1013/viewcontent/2023_DelaPena_Konserbasyon_at_Disaster_Risk_ng_Simbahan_ng_San_Roque_Full_text.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta, Parokya ni San Roque ay isang pamanang estruktura na matatagpuan sa munisipalidad ng Pateros, Metro Manila. Itinayo ang simbahan na yari sa adobe na materyal noong ika-1 ng Hulyo 1815. Sa mahigit 200 taong nakatayo, nakaranas ito ng pagbaha, pagbagyo, at paglindol na lubhang nakaapekto sa kabuoang estruktura ng naturang simbahan. Isa sa mga naitalang mahalagang pangyayari kaugnay sa likas na banta ay ang pagguho ng dalawang palapag ng kampanaryo buhat ng sunod-sunod na malalakas na lindol noong Hulyo 1880. Ilan lamang ito sa isyung kinaharap ng estrukturang gawa sa bato dulot ng klima at kondisyon na nararanasan ng Pilipinas bilang tropikal na bansa. Pinalalala ng iba’t ibang likas na inaasahang panganib (natural hazards) na hindi maiiwasan ang kundisyon nito. Tinukoy ang ang resistance/bulnerabilidad ng simbahan ng San Roque laban sa mga natural hazards sa pamamagitan ng isinagawang visual documentation, paglikom ng datos mula sa hazard maps at web applications, at pakikipanayam sa mga dalubhasa sa arkitektura, konserbasyon ng pamana, at sa kasaysayan ng simbahan. Nagsisilbing paunang hakbang ang pag-aaral na ito tungkol sa konserbasyon ng naturang simbahan. |
---|