#PinkBeWithYou: Museo ng pag-asa bilang sspasyong kakampink
Nabuo ang Museo ng Pag-asa matapos ang Halalan 2022. Nagsimula sa isang Facebook Live ni Dating VP Leni Robredo, inilarawan sa opisyal na websayt ng Angat Buhay ang Museo ng Pag-asa bilang kolaborasyon ng mga malilikhaing indibidwal mula sa iba’t-ibang larang bilang pagpupugay sa pag-asang itinaguyo...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2024
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/23 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdb_fil/article/1023/viewcontent/2024_Ilano__PinkBeWithYou__Museo_ng_Pag_asa_bilang_Espasyong_Kakampink.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Nabuo ang Museo ng Pag-asa matapos ang Halalan 2022. Nagsimula sa isang Facebook Live ni Dating VP Leni Robredo, inilarawan sa opisyal na websayt ng Angat Buhay ang Museo ng Pag-asa bilang kolaborasyon ng mga malilikhaing indibidwal mula sa iba’t-ibang larang bilang pagpupugay sa pag-asang itinaguyod ng Pink Revolution. Sa bisa nito, naging kalakasan ng kampanya ang malikhaing pag-iisip o witticisms ng mga Kakampink na may malaking repleksyon sa mga likhang-sining na iniregalo kay Robredo sa panahon ng kaniyang kampanya. Nakalap ang datos sa pamamagitan ng kalitatibong panayam sa mga naratibo ng mga tagapamahala, boluntir, at bisita na nagbahagi ng kanilang personal na karanasan sa Museo ng Pag-asa. Naging pokus ng artikulo ang pagtalakay sa espasyo ng Museo ng Pag-asa at ang tematikong ayos ng ilang likhang sining na ibinahagi kay Robredo noong panahon ng kampanya na sinuri sa pag-aaral. Gamit ang Filipino placemaking ni Ozaeta noong 2005, sinasalamin nito ang diwa at halaga ng espasyo sa pagkakakilanlang Pilipino. Sa isinagawang pagsusuri ng mga pananaw ng mga mahahalagang tao sa museo, kolektibo nilang inilarawan ang museo bilang safe space at pangalawang tahanan sa ibinahaging koneksyon nito. Sa huli, hindi natatapos sa bawat sulok ng museo ang pagtindig; bagkus isa itong lifelong advocacy ng mga manlilikha upang gamitin ang kanilang pagkamalikhain at pagiging masining bilang panawagan sa kanilang pagkauhaw sa isang maayos na pamamahala |
---|