Pun Nomnoman: Kultural na sentimyento sa korpus ng mga akda ni Padre Francis Hubert Lambrecht bilang ambag sa Araling Pilipinas

Siniyasat ng mananaliksik ang piling korpus ng mga akda ni Padre Francis Hubert Lambrecht bilang daluyan sa pagbubuo ng katangian ng Kontemporaryong Araling Filipino. Naging pokus ng pag-aaral ang mga teksto na pumapaloob sa kultura, relihiyon, sining, at panitikang Ifugao na kaniyang nadokumento sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Amtalao, John Angiwan
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2021
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/6
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1006&context=etdd_fil
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Siniyasat ng mananaliksik ang piling korpus ng mga akda ni Padre Francis Hubert Lambrecht bilang daluyan sa pagbubuo ng katangian ng Kontemporaryong Araling Filipino. Naging pokus ng pag-aaral ang mga teksto na pumapaloob sa kultura, relihiyon, sining, at panitikang Ifugao na kaniyang nadokumento sa mahigit limang dekadang pamamalagi sa iba’t ibang bayan ng Ifugao at sa buong Kordilyera. Inilapat sa pag-aaral ang pamamaraang Hermenyutika ni Schleiermacher bilang dulog sa pagtatagpo ng mga teksto at konteksto ng pag-aaral. Upang maging tapat sa paggamit ng metodo, isinalaysay ang intelektuwal na buhay ni Padre Lambrecht nang may pagsasaalang-alang sa kaniya bilang isang misyonero at antropologo. Gayundin, inilatag ng mananaliksik ang personal na danas sa usaping inkulturasyon at akulturasyon para sa prosesong divinatory ng Hermenyutika at ginamit ang natibong salita sa Ifugao na pun nomnoman bilang pamamaraan ng kritikal na pag-iisip o way of thinking sa paghahayag ng sarili sa kulturang bunsod ng sinkretismo. Lumabas naman sa resulta ng pag-aaral ang anim na dominanteng tema mula sa mga akda ni Padre Francis na naging batayan upang matukoy ang ambag ng mga dokumentong ito sa usaping pamamaraan, tema, at mga peligro sa pagsasagawa ng pag-aaral sa ilalim ng Araling Pilipinas. Susing salita: Ifugao, Francis Lambrecht, Kultura, Relihiyon, Araling Pilipinas, Araling Kordilyera