Ang animo sa sikolohiyang Pilipino: Ang kasaysayan, diskurso, at direksyon ng SP sa DLSU-CLA
Bahagi ang Sikolohiyang Pilipino (SP) ng pagbuo sa alternatibong sikolohiya. Bilang alternatibong sikolohiya nilalayon nitong kumatawan sa nabuong teorya-metodo ng sikolohiya na nakabatay sa kamalayan, kalinangan, at konteksto ng mga taong sinuri. Kaalinsabay nito, ang paglaya sa bulag na pagsunod s...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2023
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/13 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1015/viewcontent/2023_Anastacio_Ang_Ánimo_sa_Sikolohiyang_Pilipino__Full_text.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Bahagi ang Sikolohiyang Pilipino (SP) ng pagbuo sa alternatibong sikolohiya. Bilang alternatibong sikolohiya nilalayon nitong kumatawan sa nabuong teorya-metodo ng sikolohiya na nakabatay sa kamalayan, kalinangan, at konteksto ng mga taong sinuri. Kaalinsabay nito, ang paglaya sa bulag na pagsunod sa Kanluraning teorya-metodo at mabigyang boses ang mga marhinalisadong grupo. Ninanais din nitong kilalaning kapantay ng mainstream na sikolohiyang dinomina ng Kanluraning kaalaman. Kaya sa pagtatagpo ng dalawa inaasahang mabuo ang tunay na unibersal na sikolohiya. Patuloy ang pagyabong ng SP sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan na sinasalamin ng bulto ng mga pananaliksik at mga indibidwal at institusyong nagsusulong dito. Maliban sa U.P. halos wala pang naisulat na tumatalakay sa kasaysayan, katayuan, at direksyon ng SP sa kanilang institusyon, kaya pagtugon ang disertasyong ito sa panawagan ng mga pananaliksik sa pagsasagawa nito. Malaki ang naitulong ng suporta ng DLSU sa pagsisimula at pagpapaunlad ng Pilipinisasyon sa pedagohiya, organisasyon, at publikasyon. Nakatulong sa pagpunla at paghubog ng Sikolohiyang Pilipino sa DLSU ang pamumuno ni Br. Andrew B. Gonzalez, FSC, pagtuturo at pagbibigay panayam nina Enriquez, Covar, at Salazar sa Departamento ng Filipino at Sikolohiya sa DLSU-CLA. Dagdag pa rito ang pagdagsa ng paglipat ng mga propesor sa DLSU na sumusuporta sa SP at pagtuturo ng mga naging estudyante nina Enriquez, Covar, at Salazar.
Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng paksa, diskurso, at teorya-metodo ng mga nakalap na iskolarling saliksik sa Google Scholar ng mga tinukoy na sumusuporta at naglilimbag ng mga pananaliksik na SP. Matapos ang isinagawang kalitatibong sistematikong rebyu, nakalikha ng limang tema ng mga iskolarling pananaliksik 1) Replektibo, 2) Pananampalataya, 3) Identidad, 4) Sekswalidad, at 5) Pangkalusugan. Samantala, gumamit ang mga pananaliksik ng katutubo, banyaga, at sinkretismo ng mga teorya at dalumat sa pagbuo ng sariling dalumat. Masasabing tungo sa nagsasariling agham panlipunan ang direksyon ng SP sa DLSU dahil nakakalikha ang mga iskolar nito ng sariling mga problema, adyenda, teorya, at metodo ng pananaliksik. Dagdag dito, kritikal ding humahalaw ang mga saliksik ng mga konsepto, metodo, at mga problema mula sa tradisyon ng agham panlipunan ng Kanluran.
Mga Susing Salita : Sikolohiyang Pilipino, Indihenisasyon, Pilipinisasyon, Alternatibong Sikolohiya, Agham Panlipunan |
---|