Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people

Isang multikultural na lipunan ang Mindanao na nagtatampok ng iba't ibang kultura at tradisyon na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga mamamayan dito. Ang pagdating ng dayuhang mananakop ang nagbunsod ng malawakang impluwensya sa lipunan higit lalo sa paglaganap ng iba't ibang relihiyon sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Unabia, Crislie Lumacang
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/15
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1017/viewcontent/2023_Lumacang_Unabia_Kapistahan_ni_Senyor_San_Miguel_Guerero_ng_Iligan_Full_text.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-1017
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-10172023-08-23T13:35:30Z Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people Unabia, Crislie Lumacang Isang multikultural na lipunan ang Mindanao na nagtatampok ng iba't ibang kultura at tradisyon na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga mamamayan dito. Ang pagdating ng dayuhang mananakop ang nagbunsod ng malawakang impluwensya sa lipunan higit lalo sa paglaganap ng iba't ibang relihiyon sa pulo na nagpabago sa ugnayan ng mga tao. Samantala, ang dakbayan ng Iligan ay maituturing na isang multikultural na lungsod na binubuo ng tri-people-- Dumagat (Katoliko at di-Katoliko), Mëranaw, at Higaonon. Sa kabila ng pagkakaiba ng kultura ng mga Iliganon, hindi maihihiwalay sa kanilang sinaunang paniniwala ang diwa ng pananagisag na masasalamin sa kanilang mga isinasagawang ritwal at seremonya. Ang pagdiriwang ng pista ng dakbayan ng Iligan ay nagsilbing inklusibong espasyo na nagbibigay pagkakataon sa bawat pangkat na ipahayag ang kani-kanilang kultura sa pamamagitan ng paglahok sa mga kultural na kaganapan ng lungsod. Kaugnay nito, mahalagang suriin ang kabuoang halaga ng kapistahan ni Senyor San Miguel Arkanghel, isang guererong patron na tagapagpanalipud ng dakbayan sa etnokultural na integrasyon ng tri-people. Isinagawa ang isang etnograpikong uri ng pananaliksik sa pangangalap ng impormasyon mula sa mga pangunahing gawain at ritwal ng pagdiriwang. Gayundin, isinaalang-alang ng mananaliksik ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa mga susing impormante na magpapalalim sa pagtalakay hinggil sa integrasyong etnokultural. Bahagi rin ng pagtalakay sa pag-aaral ang nangingibabaw na sinkretismo at tradisyong dulot ng pinaghalong pananampalataya at animistikong gawain. Lumabas sa pag-aaral na si Senyor San Miguel ay nagkaroon ng iba't ibang bersyon ng pagkakakilanlan bilang protektor laban sa kasamaan sa paniniwala ng tatlong pangkat ng dakbayan. Nakikilahok sa pagdiriwang ng pista ang mga di-Katoliko, Mëranaw, at Higaonon partikular sa mga sosyo-kultural na gawain na nagtatampok ng pagpapahalagang kultural ng lungsod sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pinaniniwalaan. Natuklasan din sa pag-aaral na ang ilan sa mga Katolikong Dumagat na deboto ng patron ay may lahi ng Mëranaw at katutubo kaugnay sa isinalaysay na kasaysayan ng dakbayan. Samantala, malaking hamon pa rin sa isang multikultural na lungsod ang pagkamit ng isang perpekto at nagkakaisang lipunan. Nabatid sa pag-aaral ang mga hamong kailangang tugunan ng mga relihiyoso at sibikong pamunuan sa usapin ng panatisismo, istiryotipiko, at pantay na representasyong pangkultura ng tri-people sa pagdiriwang. Sa pangkalahatan, masasabing nangingibabaw ang paggalang ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon ng mga Iliganon na malinaw na naihahayag sa mga gawain ng Diyandi Festival. Itinatampok ang pagwawagi ng kabutihan laban sa kasamaan na simbolikal na representasyon nito ang imahen ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan. Mga Susing Salita: Senyor San Miguel Guerero, etnokultural na integrasyon, tri-people, dakbayan ng Iligan, sinkretismo, Diyandi Festival 2023-01-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/15 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1017/viewcontent/2023_Lumacang_Unabia_Kapistahan_ni_Senyor_San_Miguel_Guerero_ng_Iligan_Full_text.pdf Filipino Dissertations Filipino Animo Repository Fasts and feasts--Philippines--Senyor San Miguel Guerero Multiculturalism--Iligan City (Philippines) Other Languages, Societies, and Cultures
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Fasts and feasts--Philippines--Senyor San Miguel Guerero
Multiculturalism--Iligan City (Philippines)
Other Languages, Societies, and Cultures
spellingShingle Fasts and feasts--Philippines--Senyor San Miguel Guerero
Multiculturalism--Iligan City (Philippines)
Other Languages, Societies, and Cultures
Unabia, Crislie Lumacang
Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people
description Isang multikultural na lipunan ang Mindanao na nagtatampok ng iba't ibang kultura at tradisyon na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga mamamayan dito. Ang pagdating ng dayuhang mananakop ang nagbunsod ng malawakang impluwensya sa lipunan higit lalo sa paglaganap ng iba't ibang relihiyon sa pulo na nagpabago sa ugnayan ng mga tao. Samantala, ang dakbayan ng Iligan ay maituturing na isang multikultural na lungsod na binubuo ng tri-people-- Dumagat (Katoliko at di-Katoliko), Mëranaw, at Higaonon. Sa kabila ng pagkakaiba ng kultura ng mga Iliganon, hindi maihihiwalay sa kanilang sinaunang paniniwala ang diwa ng pananagisag na masasalamin sa kanilang mga isinasagawang ritwal at seremonya. Ang pagdiriwang ng pista ng dakbayan ng Iligan ay nagsilbing inklusibong espasyo na nagbibigay pagkakataon sa bawat pangkat na ipahayag ang kani-kanilang kultura sa pamamagitan ng paglahok sa mga kultural na kaganapan ng lungsod. Kaugnay nito, mahalagang suriin ang kabuoang halaga ng kapistahan ni Senyor San Miguel Arkanghel, isang guererong patron na tagapagpanalipud ng dakbayan sa etnokultural na integrasyon ng tri-people. Isinagawa ang isang etnograpikong uri ng pananaliksik sa pangangalap ng impormasyon mula sa mga pangunahing gawain at ritwal ng pagdiriwang. Gayundin, isinaalang-alang ng mananaliksik ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa mga susing impormante na magpapalalim sa pagtalakay hinggil sa integrasyong etnokultural. Bahagi rin ng pagtalakay sa pag-aaral ang nangingibabaw na sinkretismo at tradisyong dulot ng pinaghalong pananampalataya at animistikong gawain. Lumabas sa pag-aaral na si Senyor San Miguel ay nagkaroon ng iba't ibang bersyon ng pagkakakilanlan bilang protektor laban sa kasamaan sa paniniwala ng tatlong pangkat ng dakbayan. Nakikilahok sa pagdiriwang ng pista ang mga di-Katoliko, Mëranaw, at Higaonon partikular sa mga sosyo-kultural na gawain na nagtatampok ng pagpapahalagang kultural ng lungsod sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pinaniniwalaan. Natuklasan din sa pag-aaral na ang ilan sa mga Katolikong Dumagat na deboto ng patron ay may lahi ng Mëranaw at katutubo kaugnay sa isinalaysay na kasaysayan ng dakbayan. Samantala, malaking hamon pa rin sa isang multikultural na lungsod ang pagkamit ng isang perpekto at nagkakaisang lipunan. Nabatid sa pag-aaral ang mga hamong kailangang tugunan ng mga relihiyoso at sibikong pamunuan sa usapin ng panatisismo, istiryotipiko, at pantay na representasyong pangkultura ng tri-people sa pagdiriwang. Sa pangkalahatan, masasabing nangingibabaw ang paggalang ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon ng mga Iliganon na malinaw na naihahayag sa mga gawain ng Diyandi Festival. Itinatampok ang pagwawagi ng kabutihan laban sa kasamaan na simbolikal na representasyon nito ang imahen ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan. Mga Susing Salita: Senyor San Miguel Guerero, etnokultural na integrasyon, tri-people, dakbayan ng Iligan, sinkretismo, Diyandi Festival
format text
author Unabia, Crislie Lumacang
author_facet Unabia, Crislie Lumacang
author_sort Unabia, Crislie Lumacang
title Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people
title_short Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people
title_full Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people
title_fullStr Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people
title_full_unstemmed Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people
title_sort kapistahan ni senyor san miguel guerero ng iligan: susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people
publisher Animo Repository
publishDate 2023
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/15
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1017/viewcontent/2023_Lumacang_Unabia_Kapistahan_ni_Senyor_San_Miguel_Guerero_ng_Iligan_Full_text.pdf
_version_ 1775631153553735680