Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya

Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng modernisadong panahon, may mga kultura pa ring namamayani at lalong napaiigting ng pakikipagsabayan sa mga pagbabagong ito. Isa na rito ang kultura sa tradisyonal na panggagamot kung kaya ang pananaliksik na ito ay nauukol sa pagtukoy, paglalarawan, at pagsusuri...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Gutierrez, Lailanie Miranda
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/16
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1018/viewcontent/2023_Gutierrez_Ang_Panggagamot_ng_Pamilya_Dijan_Miranda__Isang_Awtoetnograpiya_Full_text.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-1018
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-10182023-08-24T12:03:07Z Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya Gutierrez, Lailanie Miranda Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng modernisadong panahon, may mga kultura pa ring namamayani at lalong napaiigting ng pakikipagsabayan sa mga pagbabagong ito. Isa na rito ang kultura sa tradisyonal na panggagamot kung kaya ang pananaliksik na ito ay nauukol sa pagtukoy, paglalarawan, at pagsusuri ng pagpapanatili at pag-aangkop ng tradisyonal na panggagamot ng isang pamilya sa Batangas–-ang Pamilya Dijan-Miranda. Isinagawa ang pag-aaral na ito gamit ang Awtoetnograpiya bilang daluyan sa pagdukal ng kaalaman sa pamamagitang ng sariling danas at masinsinang obserbasyon tungo sa pagpapaigting ng kaugnay na kultura. Nakapaloob sa paraang ito ang mahahalagang proseso ng rekoleksyon ng mga nakaraan o alaala, lahok-masid, pakikipanayam, at pagtingin sa mga album at kaugnay na dokumento ng Pamilya Dijan-Miranda hinggil sa panggagamot na isinagawa upang kalapin ang mga kinailangang datos. Upang mahimay ang mga impormasyon, ipinakilala at binakas ang pinagmulan ng panggagamot ng Pamilya Dijan-Miranda; inisa-isa ang mahahalagang danas ng bawat miyembro ng Pamilya Dijan-Miranda bilang mga manggagamot ganoon din ang danas ng mga ginamot; at tinukoy at inilarawan kung paano pinananatili at iniaangkop ng nasabing pamilya ang tradisyonal na panggagamot hanggang sa kasalukuyan. Inilapat sa papel na ito ang deskriptibong pamamaraan ng pag-aaral upang sipatin at ilarawan kung paanong hanggang sa kasalukuyang panahon kung kailan maraming pagbabagong nagaganap dulot ng modernisasyon at iba pang makabagong kaganapan ay nananatiling buhay pa rin ang tradisyonal na panggagamot ng pamilya sa kabila ng malaon nang panahon at modernong karanasan sa buhay tulad ng pangingibang bansa at pagkakaroon ng digri sa edukasyon at matatag na hanapbuhay. Mula sa mga paglalahad at pagdalumat sa karananasan ng bawat kalahok ay sinubukan ding maglahad ng mananaliksik ng sariling teorya kaugnay ng pagpapanatili at pag-aangkop ng tradisyonal na panggagamot–ang teorya ng KaLOOB. Susing salita: Awtoetnograpiya, panggagamot, kaloob, labas, danas 2023-01-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/16 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1018/viewcontent/2023_Gutierrez_Ang_Panggagamot_ng_Pamilya_Dijan_Miranda__Isang_Awtoetnograpiya_Full_text.pdf Filipino Dissertations Filipino Animo Repository Ethnology Healing Traditional medicine--Philippines (Batangas) Other Languages, Societies, and Cultures
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Ethnology
Healing
Traditional medicine--Philippines (Batangas)
Other Languages, Societies, and Cultures
spellingShingle Ethnology
Healing
Traditional medicine--Philippines (Batangas)
Other Languages, Societies, and Cultures
Gutierrez, Lailanie Miranda
Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya
description Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng modernisadong panahon, may mga kultura pa ring namamayani at lalong napaiigting ng pakikipagsabayan sa mga pagbabagong ito. Isa na rito ang kultura sa tradisyonal na panggagamot kung kaya ang pananaliksik na ito ay nauukol sa pagtukoy, paglalarawan, at pagsusuri ng pagpapanatili at pag-aangkop ng tradisyonal na panggagamot ng isang pamilya sa Batangas–-ang Pamilya Dijan-Miranda. Isinagawa ang pag-aaral na ito gamit ang Awtoetnograpiya bilang daluyan sa pagdukal ng kaalaman sa pamamagitang ng sariling danas at masinsinang obserbasyon tungo sa pagpapaigting ng kaugnay na kultura. Nakapaloob sa paraang ito ang mahahalagang proseso ng rekoleksyon ng mga nakaraan o alaala, lahok-masid, pakikipanayam, at pagtingin sa mga album at kaugnay na dokumento ng Pamilya Dijan-Miranda hinggil sa panggagamot na isinagawa upang kalapin ang mga kinailangang datos. Upang mahimay ang mga impormasyon, ipinakilala at binakas ang pinagmulan ng panggagamot ng Pamilya Dijan-Miranda; inisa-isa ang mahahalagang danas ng bawat miyembro ng Pamilya Dijan-Miranda bilang mga manggagamot ganoon din ang danas ng mga ginamot; at tinukoy at inilarawan kung paano pinananatili at iniaangkop ng nasabing pamilya ang tradisyonal na panggagamot hanggang sa kasalukuyan. Inilapat sa papel na ito ang deskriptibong pamamaraan ng pag-aaral upang sipatin at ilarawan kung paanong hanggang sa kasalukuyang panahon kung kailan maraming pagbabagong nagaganap dulot ng modernisasyon at iba pang makabagong kaganapan ay nananatiling buhay pa rin ang tradisyonal na panggagamot ng pamilya sa kabila ng malaon nang panahon at modernong karanasan sa buhay tulad ng pangingibang bansa at pagkakaroon ng digri sa edukasyon at matatag na hanapbuhay. Mula sa mga paglalahad at pagdalumat sa karananasan ng bawat kalahok ay sinubukan ding maglahad ng mananaliksik ng sariling teorya kaugnay ng pagpapanatili at pag-aangkop ng tradisyonal na panggagamot–ang teorya ng KaLOOB. Susing salita: Awtoetnograpiya, panggagamot, kaloob, labas, danas
format text
author Gutierrez, Lailanie Miranda
author_facet Gutierrez, Lailanie Miranda
author_sort Gutierrez, Lailanie Miranda
title Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya
title_short Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya
title_full Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya
title_fullStr Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya
title_full_unstemmed Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya
title_sort ang panggagamot ng pamilya dijan-miranda: isang awtoetnograpiya
publisher Animo Repository
publishDate 2023
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/16
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1018/viewcontent/2023_Gutierrez_Ang_Panggagamot_ng_Pamilya_Dijan_Miranda__Isang_Awtoetnograpiya_Full_text.pdf
_version_ 1775631179371773952