Ana Khadama: Mga kuwento ng pandarahas, paglaban, at pagsasakapangyarihan ng kababaihang domestic helpers sa Saudi Arabia

Sa kabila ng iba’t ibang ulat tungkol sa pang-aabuso at pagmamaltrato sa Saudi Arabia, nananatili pa rin itong pangunahing destinasyon ng mas maraming Pilipino upang magtrabaho sa ibang bansa gaya ng domestic helpers. Pinatunayan ito ng datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 20...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Anot, Juanito Nuñez, Jr.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/18
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_fil/article/1020/viewcontent/2023_Anot_Ana_Khadama__Mga_Kuwento_ng_Pandarahas_Paglaban_at_Pagsasakapan_Full_text.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Sa kabila ng iba’t ibang ulat tungkol sa pang-aabuso at pagmamaltrato sa Saudi Arabia, nananatili pa rin itong pangunahing destinasyon ng mas maraming Pilipino upang magtrabaho sa ibang bansa gaya ng domestic helpers. Pinatunayan ito ng datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2022 na nagpakita na malaking bahagdan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay babae at nabibilang sa elementary occupations kung saan kabilang ang mga DH. Anuman ang salik na nagtutulak sa pag-alis ng mga migrante, mahalagang sipatin kung saan nagmumula ang mga balita ng inhustisya sa Saudi Arabia na pangunahing layunin ng pag-aaral. Bilang pagsasakonteksto, tinukoy ng mananaliksik ang iba’t ibang diskriminasyon, pang-aabuso at pandarahas na naranasan ng Filipina domestic helpers sa Saudi Arabia. Pagkatapos, sinuri ang kanilang ginawang paglaban at pagkilos upang bakahin ang naranasang eksployteysyon sa ibang bansa. Kaugnay nito, natuklasan na hindi nanatiling pasibo ang Filipina domestic helpers sa Saudi Arabia sa halip nagpakita sila ng paglaban sa personal na lebel tungo sa kolektibong pagkilos sa tulong ng kapuwa DH at Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan (Sandigan) upang ipaglaban at igiit ang kanilang karapatan bilang migrante. Samantala, mula sa pakikilahok at pagsusuri ng mananaliksik sa mga kuwentong buhay ng Filipina domestic helpers, dinalumat ang konsepto ng pagsasangkapangyarihan at panimulang balangkas nito kaugnay ng proseso kung paano ito nabubuo batay sa karanasan ng kababaihang domestic helpers sa Saudi Arabia. Susing salita: Filipina domestic helper, Saudi Arabia, Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan (Sandigan), pagsasakapangyarihan