Pilosopikal na pagtatanggol sa makatuwirang pag-iral ng diyos at ng impiyerno

Para sa ilang mga pilósopó, ang pag-iral ng isang lugar o katayuang tinatawag na impiyerno ay hindi naaayon sa isang Diyos na úbod ang kabutihan, ang kapangyarihan, at ang kaalaman. Layunin ng papel na itong makatuwirang ipagtanggol ang magkaalinsabay na pag-iral ng Diyos at ng impiyerno sa pamamagi...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Leyretana, Raemel Niklaus P.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_philo/15
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdd_philo/article/1017/viewcontent/2024_Leyretana_Pilosopikal_na_pagtatanggol_sa_makatuwirang_pag_iral_ng_diyos_at.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Para sa ilang mga pilósopó, ang pag-iral ng isang lugar o katayuang tinatawag na impiyerno ay hindi naaayon sa isang Diyos na úbod ang kabutihan, ang kapangyarihan, at ang kaalaman. Layunin ng papel na itong makatuwirang ipagtanggol ang magkaalinsabay na pag-iral ng Diyos at ng impiyerno sa pamamagitan ng sumusunod. Una, pagsuri ng mga pangunahing kontemporaryong kritisísmo ukol sa suliranin ng impiyerno. Inilahad ko ang mga ganting katanungan, mga puwáng, at ang mga pag-aalinlangan sa kanilang mga kritisísmo. Ikalawa, sa pamamagitan ng pamamanhik sa mga opisyal na katuruan ng Kristiyanísmo ukol sa kalikasan ng Diyos at pagtukoy sa mga saligang pilosopikal ng mga ito, tinatasá ng papel na ito kung paano tutugon sa mga kritisísmo. Ipinapalagay na masasagot ang mga ito kung titingnan lamang nang buô at komprehensibo ang mga opisyal na katuruang Kristiyano ukol sa pag-iral ng Diyos at ng impiyerno. Maipakikitang mas makatuwirang maipagtatangol ang pag-iral ng Diyos at ng impiyerno mula sa mga argumentong laban sa kanilang magkaaalinsabay na pag-iral.