Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019)
Sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga film festival sa bansa, itinuturing na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) pa rin ang pinakamatagal at pinakamalaking film festival sa Pilipinas. Itinaguyod ito bilang pagkilala sa papel at tungkulin ng industriyang pampelikula at upang magpakita ng malikhain...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2021
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/4 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1004&context=etdm_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdm_fil-1004 |
---|---|
record_format |
eprints |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Film festivals--Metro Manila--Philippines Motion picture industry Metro Manila Film Festival Award winners Film and Media Studies |
spellingShingle |
Film festivals--Metro Manila--Philippines Motion picture industry Metro Manila Film Festival Award winners Film and Media Studies Autor, Mariz S. Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019) |
description |
Sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga film festival sa bansa, itinuturing na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) pa rin ang pinakamatagal at pinakamalaking film festival sa Pilipinas. Itinaguyod ito bilang pagkilala sa papel at tungkulin ng industriyang pampelikula at upang magpakita ng malikhaing paglalarawan ng parehong kuwento at kasaysayan ng bansa. Mahigit apat na dekada nang ipinagdiriwang ang MMFF at napatunayan na rin na maraming mahuhusay na pelikula ang naitanghal na rito. Ngunit sa mga nakalipas na taon ay nakilala pa rin ito bilang film festival na higit na pabor sa mga pelikulang komersiyal at popular, sa mga pababago-bago nitong pamantayan, gayundin sa patuloy na pagkakasangkot nito sa mga isyu at kontoberisiya partikular na sa mga pinagkakalooban nito ng parangal. Sa ganitong diwa, nilayon ng pag-aaral na masipat ang kabuluhan ng MMFF batay sa mga pelikulang nagwagi sa MMFF sa mga taong 2010 hanggang 2019. Pangunahing tunguhin sa pananaliksik na matukoy ang mga sumusunod: (a) mga pagbabagong naganap sa kasaysayan ng MMFF sa yugtong naganap ang pinakamalaking transpormasyon mula sa pamantayan, kraytirya, at komposisyon ng komite; mga nakamit na pag-unlad/debelopment, at mga isyu o kontrobersiyang kinasangkutan nito (b) pangkalahatan at ispesipikong tema sa mga pelikulang Best Picture (c) imahen at mga diskursong panlipunan sa mga pelikulang nagwagi. Mula sa mga konseptong tinalakay ng Young Critics Circle (2009), bumuo ang mananaliksik ng balangkas/modelo sa pagsusuri na tinawag na PELIKULA – Paksa at tema, Espasyo at Panahon, Larawan/Imahen, Ideolohiya, Karakter, Ugnayang Presentasyon at Representasyon, Lengguahe/wika at Artikulasyon/Adhikain ng Pelikula. Para naman sa kabuuang pagtalakay sa mga nagwaging pelikula gayundin sa kabuuang saysay ng Metro Manila Film Festival, partikular na ginamit bilang lente ang mga ideya at pananaw ni Bienvenido Lumbera (2000) sa Lipunang Pilipino sa Pelikula, Pelikula sa Lipunang Pilipino. Ang pag-aaral tungkol sa mga nagwaging pelikula ng MMFF (2010-2019) ay nakapagbukas ng marami pang usapin at diskurso tungkol sa mga isyu at suliraning patuloy na nararanasan ng bansa. Sa kabila ng samot-saring mga isyu at kontrobersiyang kinaharap ng MMFF, maituturing na makabuluhan pa rin ang mga pelikulang nagwagi sa pagsisilbi nito bilang midyum sa pagtatampok ng mga isyu/usapin sa lipunan at pagsalamin nito sa mga negatibong kalagayan ng Pilipinas. Napatunayan na malaki ang papel ng mga pelikulang nagwagi sa MMFF sa paghawan ng landas upang maipakita ang mga tunggaliang panlipunan at mga puwersang nagdidikta rito. Sa tulong ng dinebelop na balangkas/modelo (PELIKULA) higit na natukoy ang kabuluhan/saysay ng mga pelikulang nagwagi sa yugtong ito ng MMFF. Hiwalay man sa pagsusuri ang estetiko at teknikal na kahusayan, napalitaw pa rin ang kabuluhang panlipunan ng mga pelikula sa pagtatanghal nito ng parehong kuwento at kasaysayan ng lipunang Pilipino. Naisiwalat din ng mga ito ang katotohanan sa mga suliranin ng bansa na hindi pa rin mabigyang solusyon hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, maisasakonteksto pa rin ang MMFF bilang isa/bahagi ng kulturang popular sa layunin nitong higit na pagtuunan pa rin ang kita sa halip na kalidad ng mga pelikulang tampok/itatampok. Isinasagawa sa buwan ng Disyembre sa panahon ng Kapaskuhan na lalo pang nagpaigting sa konsumerismo at kapitalismo ng diwa ng Pasko. Gaya ng iba pang moda ng sining tulad ng musika at teatro, lagi pa ring babagsak ang pamemelikula sa usapin ng pagpapanatili at pagpapatuloy. Sa kabuuan, maituturing na ang lipunan sa mga pelikulang nagwagi sa Metro Manila Film Festival ay malinaw na larawan ng kolektibong naratibo at danas ng lipunang Pilipino. Sa kabilang banda, ang mga pelikula ng MMFF sa lipunang Pilipino ay may kakayahang makapaghatid ng mas makabuluhang hanay ng mga pelikula kung tuluyan itong huhulagpos sa komersiyalismo. |
format |
text |
author |
Autor, Mariz S. |
author_facet |
Autor, Mariz S. |
author_sort |
Autor, Mariz S. |
title |
Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019) |
title_short |
Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019) |
title_full |
Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019) |
title_fullStr |
Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019) |
title_full_unstemmed |
Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019) |
title_sort |
ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng metro manila film festival (2010-2019) |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2021 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/4 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1004&context=etdm_fil |
_version_ |
1710755612772532224 |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdm_fil-10042021-09-08T06:16:22Z Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019) Autor, Mariz S. Sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga film festival sa bansa, itinuturing na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) pa rin ang pinakamatagal at pinakamalaking film festival sa Pilipinas. Itinaguyod ito bilang pagkilala sa papel at tungkulin ng industriyang pampelikula at upang magpakita ng malikhaing paglalarawan ng parehong kuwento at kasaysayan ng bansa. Mahigit apat na dekada nang ipinagdiriwang ang MMFF at napatunayan na rin na maraming mahuhusay na pelikula ang naitanghal na rito. Ngunit sa mga nakalipas na taon ay nakilala pa rin ito bilang film festival na higit na pabor sa mga pelikulang komersiyal at popular, sa mga pababago-bago nitong pamantayan, gayundin sa patuloy na pagkakasangkot nito sa mga isyu at kontoberisiya partikular na sa mga pinagkakalooban nito ng parangal. Sa ganitong diwa, nilayon ng pag-aaral na masipat ang kabuluhan ng MMFF batay sa mga pelikulang nagwagi sa MMFF sa mga taong 2010 hanggang 2019. Pangunahing tunguhin sa pananaliksik na matukoy ang mga sumusunod: (a) mga pagbabagong naganap sa kasaysayan ng MMFF sa yugtong naganap ang pinakamalaking transpormasyon mula sa pamantayan, kraytirya, at komposisyon ng komite; mga nakamit na pag-unlad/debelopment, at mga isyu o kontrobersiyang kinasangkutan nito (b) pangkalahatan at ispesipikong tema sa mga pelikulang Best Picture (c) imahen at mga diskursong panlipunan sa mga pelikulang nagwagi. Mula sa mga konseptong tinalakay ng Young Critics Circle (2009), bumuo ang mananaliksik ng balangkas/modelo sa pagsusuri na tinawag na PELIKULA – Paksa at tema, Espasyo at Panahon, Larawan/Imahen, Ideolohiya, Karakter, Ugnayang Presentasyon at Representasyon, Lengguahe/wika at Artikulasyon/Adhikain ng Pelikula. Para naman sa kabuuang pagtalakay sa mga nagwaging pelikula gayundin sa kabuuang saysay ng Metro Manila Film Festival, partikular na ginamit bilang lente ang mga ideya at pananaw ni Bienvenido Lumbera (2000) sa Lipunang Pilipino sa Pelikula, Pelikula sa Lipunang Pilipino. Ang pag-aaral tungkol sa mga nagwaging pelikula ng MMFF (2010-2019) ay nakapagbukas ng marami pang usapin at diskurso tungkol sa mga isyu at suliraning patuloy na nararanasan ng bansa. Sa kabila ng samot-saring mga isyu at kontrobersiyang kinaharap ng MMFF, maituturing na makabuluhan pa rin ang mga pelikulang nagwagi sa pagsisilbi nito bilang midyum sa pagtatampok ng mga isyu/usapin sa lipunan at pagsalamin nito sa mga negatibong kalagayan ng Pilipinas. Napatunayan na malaki ang papel ng mga pelikulang nagwagi sa MMFF sa paghawan ng landas upang maipakita ang mga tunggaliang panlipunan at mga puwersang nagdidikta rito. Sa tulong ng dinebelop na balangkas/modelo (PELIKULA) higit na natukoy ang kabuluhan/saysay ng mga pelikulang nagwagi sa yugtong ito ng MMFF. Hiwalay man sa pagsusuri ang estetiko at teknikal na kahusayan, napalitaw pa rin ang kabuluhang panlipunan ng mga pelikula sa pagtatanghal nito ng parehong kuwento at kasaysayan ng lipunang Pilipino. Naisiwalat din ng mga ito ang katotohanan sa mga suliranin ng bansa na hindi pa rin mabigyang solusyon hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, maisasakonteksto pa rin ang MMFF bilang isa/bahagi ng kulturang popular sa layunin nitong higit na pagtuunan pa rin ang kita sa halip na kalidad ng mga pelikulang tampok/itatampok. Isinasagawa sa buwan ng Disyembre sa panahon ng Kapaskuhan na lalo pang nagpaigting sa konsumerismo at kapitalismo ng diwa ng Pasko. Gaya ng iba pang moda ng sining tulad ng musika at teatro, lagi pa ring babagsak ang pamemelikula sa usapin ng pagpapanatili at pagpapatuloy. Sa kabuuan, maituturing na ang lipunan sa mga pelikulang nagwagi sa Metro Manila Film Festival ay malinaw na larawan ng kolektibong naratibo at danas ng lipunang Pilipino. Sa kabilang banda, ang mga pelikula ng MMFF sa lipunang Pilipino ay may kakayahang makapaghatid ng mas makabuluhang hanay ng mga pelikula kung tuluyan itong huhulagpos sa komersiyalismo. 2021-01-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/4 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1004&context=etdm_fil Filipino Master's Theses Filipino Animo Repository Film festivals--Metro Manila--Philippines Motion picture industry Metro Manila Film Festival Award winners Film and Media Studies |