Pagsusuri sa uri ng inkulturasyong isinusulong ng Apostolic Catholic Church gamit ang lente ng kaisipan ni Anschar Chupungco
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, namumuhay na ang mga Pilipino sa pagsamba at paniniwala sa mga anito. Sa pagpasok ng mga Kastila ipinakilala ang Kristiyanismo na siyang naging relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng iba’t ibang denominasyon at a...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2021
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/8 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1009&context=etdm_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, namumuhay na ang mga Pilipino sa pagsamba at paniniwala sa mga anito. Sa pagpasok ng mga Kastila ipinakilala ang Kristiyanismo na siyang naging relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng iba’t ibang denominasyon at adaptasyon sa kultural na gawain ng mga mananampalataya. Ito ay dahil sa pagnanais ng ibang mga namumuno na magkaroon ng simbahan na malapit sa danas ng mga Pilipino. Isa sa mga simbahang itinatag ay ang Apostolic Catholic Church, ito ay pinamumunuan ng isang patriyarko kaagapay ang iba pang bisyap at pari. Kaugnay nang nabanggit, layunin ng pag-aaral na matukoy at masuri ang inkulturasyong isinusulong ng Apostolic Catholic Church. Sa mas epesipikong pagsusuri dinalumat ang naging kasaysayan ng ACC, sinuri ang mga sakramento at wikang ginamit, at panghuli tinukoy ang uri ng inkulturasyong isinusulong ng ACC batay sa lente ng kaisipan ni Anschar Chupungco. Ginamit naman ng mananaliksik ang library archival, pakikipanayam, at obserbasyong etnograpiko bilang paraan ng pangangalap ng mga datos. Batay sa mga nakalap na resulta, ang Apostolic Catholic Church ay itinatag ni John Florentine Tereul katuwang ang kaniyang ina na si Maria Virginia Leonzon noong Hulyo,1991. Ang simbahang ito ay isang independyenteng simbahan na pinamumunuan ng isang patriyarko. Ang paraan ng kanilang pananampalataya ay kombinasyon ng Eastern Orthodox at Roman Catholic. Tradisyonal din ang paraan ng kanilang pananampalataya at pinananatili nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga tradisyon at kasuotan. Kapansin-pansin naman sa kanilang sakramento ang ilang mga naidagdag sa mga ritwal at terminong ginagamit gaya ng mga Filipino Honorifics na Mahal na Ingkong para sa banal na espiritu, Papang para sa patriyarko, at mamang para sa matriyarka ng simbahan. Makikita rin ang pagsasabuhay ng kaugaliang Pilipino sa kanilang mga gawain. Mayroon din silang tinatawag na banal na pagbabasbas o pagtatatak na siyang ibinibigay sa mga kasapi nito gaya ng apo, hiyas ni Maria, serapines, kerubin, anghelito, at anghelita. Samantala ang uri naman ng inkulturasyong isinusulong ng ACC ay halong metodo, makikita ito sa pagsasakultura ng kanilang mga gawain, ritwal, at tradisyon gayundin ang mga katawagan na kanilang ginagamit. Sa kabuoan masasabing litaw na litaw ang inkulturasyon at lokalisasyon sa mga gawain ng ACC. Nakadarama ng pagiging kabahagi at kaisa ng simbahan ang mga kasapi nito dahil ang ilang mga gawain sa simbahan ay nasa kultural na konteksto.
Mga Susing Salita: Apostolic, Catholic, Inkulturasyon, Sakramento, Wika |
---|