Ang alternatibo sa alternatibong pamamahayag ng altermidya - people's alternative media network

Ang papel na ito ay isang Kritikal na Diskursong Analisis sa AlterMidya – People’s Alternative Media Network (AlterMidya), ang pambansa at nag-iisang samahan ng mga alternatibong midya sa Pilipinas. Pangunahing layunin ng pananaliksik na mailarawan kung paano ginagawang alternatibo ng AlterMidya ang...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Gopez, Christian P.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2020
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/10
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1010&context=etdm_fil
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang papel na ito ay isang Kritikal na Diskursong Analisis sa AlterMidya – People’s Alternative Media Network (AlterMidya), ang pambansa at nag-iisang samahan ng mga alternatibong midya sa Pilipinas. Pangunahing layunin ng pananaliksik na mailarawan kung paano ginagawang alternatibo ng AlterMidya ang pamamahayag sa Pilipinas at makapag-ambag sa napakalimitadong korpus ng mga pag-aaral hinggil sa mga alternatibong midya sa bansa. Gamit ang mga kategoryang konseptuwal ni van Dijk at ang modelong may tatluhang-dimensiyon ni Fairclough, antas-antas na sinuri sa pag-aaral ang kalikasan ng pambansang network mula sa paghimay sa mga balitang inilalathala nito (text), patungo sa proseso ng produksiyon at interpretasyon ng teksto (discourse practice), at hanggang sa mas malalawak na mga situwasyon at kontekstong kultural, politikal, historikal, at sosyal na umiiral sa lipunang Pilipino (socio-cultural practice). Lumabas na ginagawang alternatibo ng AlterMidya ang pamamahayag sa bansa sa pamamagitan ng pagtaliwas sa sistema, kalakaran, nilalaman, at gahum na umiiral sa mga dominanteng midya at pagbuo ng sariling estruktura, kultura, at tradisyon. Inilalarawan ng pambansang network ang lipunan sa pananaw ng mga marhinalisadong pangkat, komunidad, o sektor na karaniwang underrepresented, misrepresented, o unrepresented sa mga naghaharing midya. Gayon din, hindi lamang basta nakakulong ang samahan sa paglalahad ng mga kontra-naratibo sa mga nangingibabaw na kuwento, bagkus gumagampan ito ng isang malaking tungkulin sa progreso ng komunidad, pagbabago ng lipunan, at pagbuo ng bansa.