Semyotikong pagsusuri sa mga rebisyonistang presentasyon ng batas militar ng rehimeng Marcos sa YouTube
Sa kabila ng mga artikulong naghahatid ng mga tamang impormasyon sa social media kaugnay ng Martial Law, nagkalat pa rin ang mga ebidensyang sumusuporta sa pagiging matagumpay ng Martial Law. Gamit din ang platapormang ito, lumilikha ng bagong “katotohanan” ang mga maka-Marcos upang mabago ang imahe...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2022
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/15 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1015&context=etdm_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Sa kabila ng mga artikulong naghahatid ng mga tamang impormasyon sa social media kaugnay ng Martial Law, nagkalat pa rin ang mga ebidensyang sumusuporta sa pagiging matagumpay ng Martial Law. Gamit din ang platapormang ito, lumilikha ng bagong “katotohanan” ang mga maka-Marcos upang mabago ang imahe ng kanilang patron. Sa pag-aaral na ito, sinuri ang mga maka-Marcos na video gamit ang Semiotics ni Roland Barthes. Ang pagtukoy sa kahulugan ng sign o senyas na nangibabaw sa mga piling YouTube video ay dumaan sa proseso ng pag-alam sa denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan nito. Sa ginawang pagsusuri sa denotatibong aspeto, lumalabas na walang tiyak at matibay na sanggunian o pag-aaral ang mga datos na inilahad sa mga video upang maging sandigan ng mga pala-palagay ng mga vlogger at/o YouTube Channel. Ipinakikita rin sa kabuuan ng pagsusuri na inilalahad ng mga piling video na ito ang mga magandang katangian, mga kakayahan, nagawa at plano ni Marcos sa Pilipinas upang mabago ang negatibong imaheng hatid ng Martial Law. Gamit naman ang retorikal na estratehiya ni Barthes, hinimay ang konotatibong pagpapakahulugang nakatago sa nilalaman ng mga nasabing video. Mula sa pitong (7) retorikal na estratehiya, nangibabaw ang estratehiyang tautolohiya bilang paraan ng pag-atake ng mga vlogger at/o YouTube Channel sa mga manonood. Ang pagdadahilan at pagpapaliwanag sa pamamagitan ng pagbigkas muli sa mga bagay na nangangailangan din ng kadahilanan at paliwanag ay malinaw na naipakita sa nilalaman o content na kanilang nilikha. Sa kabuuan ng pagsusuri, ang paglitaw ng sinasabing “katotohanan” ng mga maka-Marcos batay sa inilahad nila sa mga piling YouTube video ay pawang manipulasyon sa mga tagapanood upang palitan ang negatibong imahe ng Martial Law. Gayundin, ang mga ganitong uri ng YouTube video ay isang manipestasyon na tunay na laganap ang fake news o maling impormasyon sa social media. |
---|