Pinoy thirst trappers: Pagkakaiba-iba at paglalarawan ng thirst trapping ng mga piling Pilipinong babae atl lalaking you tuber sa Pilipinas
Pinag-aralan sa papel na ito ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng mga piling Pilipinong thirst trapper mula sa YouTube. Itinuturing ang YouTube bilang isang participatory culture. Naging makapangyarihan at kapaki-pakinabang ang YouTube sa pagbibigay ng bagong plataporma hindi lamang sa mga batikan...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2023
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/17 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_fil/article/1016/viewcontent/2023_Raymundo_Pinoy_Thirst_Trappers__Pagkakaiba_iba_at_Paglalarawan_Full_text.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Pinag-aralan sa papel na ito ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng mga piling Pilipinong thirst trapper mula sa YouTube. Itinuturing ang YouTube bilang isang participatory culture. Naging makapangyarihan at kapaki-pakinabang ang YouTube sa pagbibigay ng bagong plataporma hindi lamang sa mga batikan na sa larangan ng midya kundi maging sa mga baguhan o amateur pa lamang sa paggawa ng mga personal na bidyo. Habang patuloy na umuunlad ang mundo ng social media, lalo pang naging laganap ang paggamit ng self-sexualization at nagluwal pa ito ng bagong konsepto na mas kilala ngayon sa tawag na thirst trap. Isang halimbawa ang thirst trap ng isang mas pinalawig na selfie culture, madalas itong isang uri ng larawan na ginagamit upang akitin at hikayatin ang mga tao na purihin ang kanilang seksing katawan. Ang papel na ito ay isang eksploratoryong pagsusuri ng karakterisasyon ng thirst trap ng mga piling Pilipino sa YouTube. Sinuri sa papel na ito ang mga bidyo ng dalawampung (20) Pilipinong thirst trapper sa YouTube. Sa kabuuang pagdalumat ng konsepto ng self-sexualization gamit ang thirst trap sa YouTube, hangad ng papel na ito na makapagbukas ng bagong diskurso tungkol sa napapanahong paksang ito. Magagamit ang resulta ng pag-aaral upang mapalawak ang diskurso na may kinalaman sa new media, self-sexualization at sa iba pang mga disiplina. |
---|