Ari at manoro: Semiyolohikal na pagsusuri sa mga piling pelikula mula sa Pampanga
Ang mga Kapampangan ay nagtataglay ng isang malalim na pagkakakilanlan na nagpapakita ng kanilang wika, kultura, at pagpapahalaga sa mga tradisyon at paniniwala. Ang kanilang mga katangiang ito ay nagpapahayag ng kasaysayan, pagkakakilanlan, at kaugalian ng mga Kapampangan bilang isang etnikong pang...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2023
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/18 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_fil/article/1018/viewcontent/2023_DelaCruz_Ari_at_Manoro__Semiyolohikal_na_Pagsusuri_sa_mga_Piling_Pelikula_Full_text.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang mga Kapampangan ay nagtataglay ng isang malalim na pagkakakilanlan na nagpapakita ng kanilang wika, kultura, at pagpapahalaga sa mga tradisyon at paniniwala. Ang kanilang mga katangiang ito ay nagpapahayag ng kasaysayan, pagkakakilanlan, at kaugalian ng mga Kapampangan bilang isang etnikong pangkat sa Pilipinas.
Gamit ang semiyolohiya ni Roland Barthes, sinuri ng papel na ito ang dalawang pelikula na kilala sa Pampanga, ang Ari: My Life with a King at ang Manoro: The Teacher, ang mga ito ay may kinalaman at umiikot sa wika, kultura at identidad ng mga Kapampangan. Maliban dito, ang dalawang pelikula ay mayroong mga imahe na sumasalamin sa mga isyung panlipunan na lantad sa kanilang mga dayalogo, sa simbolo rin ng mga tauhan at sa mga kaganapan sa pelikula. Ipinakita at pinatunayan ng pagsusuri na ang mga pelikulang Kapampangan ay hindi lamang isang anyo ng libangan kundi isang sining na naglalarawan at nagbibigay-halaga sa kultura at identidad ng mga Kapampangan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga tanda at simbolo, ang mga pelikula ay nagpapahayag ng mga katangian, paniniwala, tradisyon, at kaugalian ng mga Kapampangan. Ang mga imaheng napili at napalutang sa dalawang pelikula ay inilapat din sa ilalim ng pitong retorikal na estratehiya ni Barthes.
Mga Susing Salita: Identidad, Kapampangan, Kultura, Pelikulang Kapampangan, Pitong Retorikal na Estratehiya, Semiyolohiya |
---|