Atityud at saloobin sa mga email communication ng mga piling kawani ng La Salle Green Hills: Gawi, isyu, at mungkahing protokol

Sa panahong digital kung saan nagananap ang proseso ng pagpasa ng impormasyon gamit ang mga kompyuter at iba pang midyum ng teknolohiya bilang daluyan ng komunikasyon, ang email ang isa sa karaniwang paraan ngayon ng pakikipag-ugnay sa elektronikong paraan. Mahalaga ang papel at tungkuling ginagampa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Gurung, Michael Bobita
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/20
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_fil/article/1021/viewcontent/2023_Gurung_Atityud_at_saloobin_sa_mga_email_communication_Full_text.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Sa panahong digital kung saan nagananap ang proseso ng pagpasa ng impormasyon gamit ang mga kompyuter at iba pang midyum ng teknolohiya bilang daluyan ng komunikasyon, ang email ang isa sa karaniwang paraan ngayon ng pakikipag-ugnay sa elektronikong paraan. Mahalaga ang papel at tungkuling ginagampanan ng komunikasyon sa mga opisina sa iba’t ibang sektor ng lipunan lalo na sa mga institusyong pang-edukasyon. Ang mabisa at malinaw na komunikasyon ay nakatutulong upang magkaintindihan at magkaroon ng matiwasay na samahan ang mga miyembro ng isang organisasyon. Sa gitna ng pandemya, ang email communication ay siyang pangunahing paraan ng komunikasyon sa mga institusyong pampaaralan. Ang pag-shift ng plataporma ng pagtuturo mula sa face-to-face patungong online distance learning ay nangailangan ng mas mabilis, ekonomiko at mabisang midyum ng komunikasyon na maaaring gamitin sa pakikipag-usap sa pagitan ng mga mag-aaral at kanilang mga guro, sa pagitan ng mga guro, kapwa guro at administrasyon, at sa pagitan ng iba pang mahahalagang departamento at opisina sa mga paaralan. Ang komunikasyon gamit ang email ang siyang naging midyum para maipaabot ang mga mensahe at impormasyon na kinakailangan sa mga paaralan. Kasabay ng pagiging gamitin ng email bilang isang paraan ng pakikipag-usap kasabay ng pagbabago sa plataporma ng edukasyon mula sa interaksyong face-to-face patungo sa online distance learning, may mga gawi at isyu na umuusbong sa mga institusyong pampaaralan na nasanay sa komunikasyong nakaimprenta. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang atityud at saloobin ng ilang kawani ng La Salle Green Hills tungkol sa paggamit ng mga ng mga email communication sa panahon ng pandemya at ang mga gawi, isyu, at mungkahing protokol sa pagpapadala, pagtanggap at pagtugon sa paggamit ng mga email bilang pangunahing midyum ng komunikasyon.