Pagdalumat sa K-U-L-T-U-R-A ng mga katutubong Ayta sa suliranin ng lupang tirahan sa konteksto ng likas-kayang pag-unlad

Malaking hamon ang pamumuhay at karanasan ng mga katutubong Aytang naninirahan sa labas ng lupang ninuno o indigenous people outside ancestral domain. Dahil dito, layunin ng pag-aaral na: (a) mailarawan ang kalagayan ng mga sambahayang Ayta sa Putingkahoy, Rosario, Batangas, batay sa mga yamang kapi...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Taeza, Jeyson
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/26
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_fil/article/1026/viewcontent/2024_Taeza_Pagdalumat_sa_K_U_L_T_U_R_A_ng_mga_katutubong_Ayta_sa_suliranin_n.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Malaking hamon ang pamumuhay at karanasan ng mga katutubong Aytang naninirahan sa labas ng lupang ninuno o indigenous people outside ancestral domain. Dahil dito, layunin ng pag-aaral na: (a) mailarawan ang kalagayan ng mga sambahayang Ayta sa Putingkahoy, Rosario, Batangas, batay sa mga yamang kapital na bahagi ng Sustainable Livelihood Framework (SLF); (b) masuri ang taglay nilang kamalayan, saloobin, pag-uugali, reaksiyon, at angking pagkilos ayon sa modelong mnemonic na K-U-L-T-U-R-A; at (c) maipaliwanag ang implikasyon ng suliranin sa lupang tirahan sa konteksto ng likas-kayang pag-unlad ng katutubong pamayanan gamit ang Lasallian Reflection Framework (LRF). Ginamit ang mixed method sa pagkalap ng kuwantitatibo at kuwalitatibong datos sa pamamagitan ng sarbey, sinadyang kuwentuhan, kalahok-masid, at key informant interview. Napatunayan sa pagsusuri ng datos: (1) ang paninirahan sa labas ng lupang ninuno ay lalong nagpalubha sa mga suliraning kinahaharap ng mga Ayta tulad ng kakulangan ng edukasyon, kawalan ng permanenteng kabuhayan, problema sa malnutrisyon, kawalan ng kinatawan sa Sangguniang Barangay, dagdag pa rito, ang epekto ng mga bagyo at pagputok ng bulkan sa kanilang lugar; (2) sinalamin ng mga Ayta ang kultura ng tahimik na paghihintay habang nakikiramdam sa sitwasyon dahil sa paniniwalang chieftain ng mga Ayta (yumao bago isagawa ang pag-aaral) ang nararapat makipag-usap nang direkta sa kapitan ng barangay at maisagawa ito nang malumanay at mahinahon; bukod dito, mahalaga para sa kanila na hindi magkahiwa-hiwalay kahit nahihirapan at nag-aalala sa kawalang katiyakan ng sitwasyon sa kanilang lupang tirahan; (3) nabuo ang kontra-diskurso tungkol sa mga Ayta sapagkat sa kabila ng kanilang mapanghamong sitwasyon ay maaari pa ring matamo ang likas-kayang pag-unlad sa hinaharap dahil natuklasang may pangarap ang pamilya ng mga Ayta na makapagtapos ng pag-aaral ang mga bata, may nabuo na silang ugnayan sa iba’t ibang community partners, may balak silang pasiglahin ang katutubong kaalaman at kasanayan ng kanilang pamayanan, may bukas silang pananaw na tumanggap ng mga mananaliksik, may mga kabataang Ayta na aktibong lumalahok sa mga gawain ng pamayanan. Naitala rin sa pag-aaral ang panawagan ng mga Ayta na maipaliwanag sa kanila nang husto ang IPRA upang mabigyan ng proteksyon at tinig ang mga katutubong naninirahan sa labas ng lupang ninuno. Sa huling bahagi, naglahad din ng panukalang bumuo ng programang Indigenous Peoples Studies sa akademya upang mapalawak ang espasyo at iskolarling diskurso tungkol sa mga katutubong pamayanan sa bansa.