Inklusyon, eksklusyon at transisyon: Isang kasaysayan ng isla ng Calauit, 1976-2013

Bilang isang game preserve and wildlife sanctuary, ang isla ng Calauit ay itinuring na matagumpay na proyekto ng translokasyon ng mga hayop mula sa kontinente ng Africa tungong Pilipinas noong dekada 70 sa ilalim ng administrasyong Marcos. Sa pag-aaral na ito, tinatalakay ang pangkalahatang ideya tu...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Villapa, Jyferson Aban
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2021
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_history/1
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1000&context=etdm_history
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Bilang isang game preserve and wildlife sanctuary, ang isla ng Calauit ay itinuring na matagumpay na proyekto ng translokasyon ng mga hayop mula sa kontinente ng Africa tungong Pilipinas noong dekada 70 sa ilalim ng administrasyong Marcos. Sa pag-aaral na ito, tinatalakay ang pangkalahatang ideya tungkol sa pagkakatatag, pamamahala at pagpapaunlad sa isla ng Calauit na nagsimula bilang proyektong pangkonserbasyon ng gobyerno na di naglaon ay naging pampublikong parke. Ang saklaw na panahon ng pagtalakay ay nagsimula sa taong 1976 kung kailan nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Presidential Proclamation No. 1578 na nagtakda sa isla ng Calauit bilang isang game preserve and wildlife sanctuary hanggang 2013 kung kailan hinagupit ng bagyong Yolanda ang isla. Sinuri rin ang mga ahensiya ng gobyerno at organisasyong humawak at namahala rito kasabay ng paglalahad ng iba’t ibang hamong kinaharap at kontrobersyang ikinabit sa proyekto, at kung paano naigpawan ang mga ito upang manatili ang isla bilang isang kanlungan ng mga hayop at pasyalang panturismo.