Isang kasaysayan ng pagbabalangkas ng periodisasyon sa kasaysayang pambansa ni Zeus A. Salazar, 1974-2004
Isang malaking proyekto ang pagsusulat ng kasaysayang Pambansa. Marami sa mga Pilipinong historyador ang nagsulat ng kani-kanilang mga aklat tungkol dito, kundi man sa pagiging balangkas muna sa simula. Nagkaroon din ng iba’t ibang mga edisyon ang ilan sa mga ito. Ngunit, may limang dekada na ring d...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2024
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_history/10 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_history/article/1010/viewcontent/2024_Pingul_Isang_Kasaysayan_ng_Pagbabalangkas_ng_Periodisasyon_sa_Kasaysayan.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Isang malaking proyekto ang pagsusulat ng kasaysayang Pambansa. Marami sa mga Pilipinong historyador ang nagsulat ng kani-kanilang mga aklat tungkol dito, kundi man sa pagiging balangkas muna sa simula. Nagkaroon din ng iba’t ibang mga edisyon ang ilan sa mga ito. Ngunit, may limang dekada na ring dinadalumat ni Zeus Salazar ang panahong ito na siyang maiuugat sa kaniyang unang balangkas ng pagpapasakasaysayan ng nakaraang pre-ispaniko noong 1974. Sinuri sa kasalukuyang pag-aaral ang mga balangkas ng kasaysayang Pambansa ni Salazar. May apat na inilimbag ukol dito sa mga panahong 1974-2004. Dulot ng kalawakan ng pagdadalumat ng kaisipan nito, lilimitahan ang pagsusuri sa mga nailimbag na balangkas nito mula 1974-2004. May apat na kabanatang nabuo mula sa tesis na ito. Mula sa problematisasyon ng kasaysayang Pambansa sa pagtingin ni Salazar tungo sa pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay at pagbabago sa tatlong pangunahing panahong nabuo ni Salazar sa kaniyang mga balangkas – ang Pamayanan, Bayan, at Bansa. Sinuri ang mga balangkas ni Salazar sa pamamagitan ng metodolohiyang deskriptibo-analitikal. Gayundin upang makumpirama ang ilan pang mga kaisipan, gumamit din ang mananaliksik ng pasalitang kasaysayan at kinapanayam si Salazar.
Mula sa pagsusuri ng mga balangkas pangkasaysayan ni Salazar, napalitaw ang mga sumusunod na kaisipan, 1) unti-unting nababago ang mga petsang hangganan ni Salazar dulot ng kaniyang mga pananaliksik at iba pang mga natutuklasang batis pangkasaysayan; 2) gamit ang pantayong pananaw, unti-unti ring naipapakita ang panloob na perspektiba sa mga ikutang pangyayaring itinatakda nito; 3) naging hugpungan din ang kaniyang mga balangkas ng kasaysayang Pambansa sa tatlong tradisyong Katutubo, Muslim, at Kristiyano; at sa huli, 4)makikita ang bai-baitang na pagsulong ng kasaysayan tungo sa pagbubuo ng Bansa. Bilang konklusyon, pinatutunayan ng akdang ito ang lawak at lalim ng ambag ng pagpapanahon at pagdadalumat ni Salazar sa kasaysayang pambansa. Ngunit, hindi nagtatapos ito sa mga nailimbag na balangkas. Nagpapatuloy ang pagbabago nito hanggang sa kasalukuyang panahon, na siyang tinitingnan bilang limang dekada ng pagdadalumat ng kasaysayang pambansa ni Salazar. |
---|