Ang “Portrait of a Lady (unfinished)” at ang kontemporaneong Filipinong mahabang tula

Ang tulang “Portrait of a Lady (Unfinished)” ay isang mahabang tula (“long poem”) na ipinangalan alinsunod at nagsisilbi ring ekphrasis sa obra ni Fernando Amorsolo: isang larawan ng babaeng hindi natapos hanggang sa kamatayan ng pintor. Sa akdang ito, ginagalugad ang mga tema ng pag-iral, ugnayan n...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Dormiendo, Abner E.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/12
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_lit/article/1010/viewcontent/2023_Dormiendo_Ang__Portrait_of_a_Lady__Unfinished__Full_text.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang tulang “Portrait of a Lady (Unfinished)” ay isang mahabang tula (“long poem”) na ipinangalan alinsunod at nagsisilbi ring ekphrasis sa obra ni Fernando Amorsolo: isang larawan ng babaeng hindi natapos hanggang sa kamatayan ng pintor. Sa akdang ito, ginagalugad ang mga tema ng pag-iral, ugnayan ng likhang-sining sa lumikha nito, sa ipinapaksa niya, at sa saksing tagapanood, pati na rin ang pakikipagtagisan nito sa mga institusyong pansining; mga paraan ng pagtatanghal ng sarili sa mundo sa mga paraang parehong sinasadya at lingid; mga pagmumuni sa kalikasan ng atensyon, at iba pa. Ngunit higit dito, isang imbestigasyon ang “Portrait” ng konsepto ng “long poem”. Sa pamamagitan ng kaniyang pagkakasulat, nilalayong diskursohin ng akda kung ano nga ba ang “mahabang tula”, ano ito sa tradisyon ng Filipinong pampanulaan (o: ano ang “Filipino” rito), at ano ang “kontemporaneo” rito. Sa prosesong ito nagiging teoryabilang-praxis ang pagdulog ng “Portrait” sa pagtugon nito sa diskurso: ang mahabang tula bilang isang pagmamaterya ng pagnanasang mapag-alinsabay ang iba’t ibang salig ng kondisyong umiiral at hindi sa kaniyang paglikha—kasama na ang pamanahon at napapanahong danas ng Filipino—sa pamamagitan ng haba nito, ang alinsabay ding pagkabigo ng ganitong proyekto, at ang pagtatagumpay ng ganitong pagkabigo.