Ang pilosopiyang mangyan: Isang pagdalumat sa ambahan bilang bukal ng pilosopiyang Hanunuo-Mangyan

Ang tula ay sidsilan ng damdamin, saloobin, kaisipan, at paniniwala o pagpapakahulugan sa mundo, at nilalarawan nito ang anyo ng buhay mayroon isang tao kung kaya’t maaaring bumukal ang Pilosopiya mula rito. Tulad ng hinuha ng Etnopilosopiya at nina Rolando M. Gripaldo at Florentino Timbreza sa kani...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: De Guzman, Eugene Victoriano
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_philo/8
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_philo/article/1007/viewcontent/2024_DeGuzman_Ang_pilosopiyang_mangyan__Isang_pagdalumat_sa_Ambahan_bilang_buka.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang tula ay sidsilan ng damdamin, saloobin, kaisipan, at paniniwala o pagpapakahulugan sa mundo, at nilalarawan nito ang anyo ng buhay mayroon isang tao kung kaya’t maaaring bumukal ang Pilosopiya mula rito. Tulad ng hinuha ng Etnopilosopiya at nina Rolando M. Gripaldo at Florentino Timbreza sa kanilang pagtalakay sa Pilosopiyang Pilipino na sa tula, bilang isang uri ng kultura, maaaring bumukal ang Pilosopiya. Sa pag-aaral na ito, sa paghahalaw ng pilosopiyang Hanunuo-Mangyan mula sa Ambahan, lumitaw ang epistemolohiya, metapisika at pilosopiya ng buhay ng Hanunuo-Mangyan. Sa pamamagitan ng hermenyutika ni Hans-George Gadamer nagkaroon nang maingat at magalang na paghahalaw ng Pilosopiyang Mangyan mula sa Ambahan. Dito, bumukal ang mga makaHanunuo-Mangyang pananaw na ang karunungan o kaalaman ay pagbabahagi at pakikinig; ang tao ay bahagi ng isang malaking katotohanan; at ang buhay ay mayad at urog. Ito ay mga katibayan na ang mga Hanunuo-Mangyan ay mayroong mayamang kaisipan –katutubong Pilosopiya at hindi sila Mangmang. Hindi mangmang ang mga Mangyan. Umiiral ang katutubong pilosopiya sa Pilipinas. Ito ay dapat tuklasin, pabukalin at pagyamanin.