Kapag hinubaran ang diskursong pornograpiya (Kailan umiigting ang usaping laman sa laman?)

Ayon sa pag-aaral ni Linda Wiliams (2004), naglalabas ang Hollywood ng mga pelikula taon-taon n g humigit-kumulang 400 samantalang 10,000 hanggang 11,000 naman ang sa industriya ng pornograpiya. Napakalaki ng puwang sa pagitan ng distribusyon ng isang komersyal na pelikula at sa mga pelikulang maitu...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Reyes, Marvin R.
Format: text
Published: Animo Repository 2012
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/8780
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Ayon sa pag-aaral ni Linda Wiliams (2004), naglalabas ang Hollywood ng mga pelikula taon-taon n g humigit-kumulang 400 samantalang 10,000 hanggang 11,000 naman ang sa industriya ng pornograpiya. Napakalaki ng puwang sa pagitan ng distribusyon ng isang komersyal na pelikula at sa mga pelikulang maituturing na pornograpiya, Kung gayon, bagamat mallit na produksyon lamang ang umiikot sa industriya ng pornograpiya, tuluy-tuloy ang eksekusyon ng ganitong diskurso alang-alang sa mga walang sawang manonood at lalo't higit sa usapin ng pera at kita. Sa Pilipinas, bagamat itinuturing pa rin na underground ang ganitong klaseng kalakalan ng enterteynment, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang may ganito pa ring klase ng industriya na buhay na buhay pa rin at nakikisabay sa paglipat ng panahon. Sa pag-aaral na ito, bibigyang-fokus ang pornograpiya bilang diskurso at kung may makukuha bang himay n g pagka-sining sa kabila ng usaping moralidad, taboo at kawalang pagtupad sa batas ng pagiging likas. Maituturing na ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga esensyal na salik sa pagbuo ng konsepto ng isang masining. Subalit paano mahihimay ang isang pornograpiya kung subhektibo at isteryotipiko na itong itinuturing bilang kawalan ng kahit na anong himay ng sining---katotohanan, kagandahan, realidad, kaisahan lalo't higit sa bansang tulad ng sa Pilipinas ng tila kasalanan ang anumang hindi pagsunod sa nakalakhang panuntunan ng lipunan. Pinakamahirap na usapin kung paano papasok ang sining sa pornograpiya. Ang isyu pa nga rito, kung talaga bang karapat-dapat ipasok ang sining dito. Sa daloy ng pornograpiya---may kaunting usapan, foreplay, halikan, kapaan at ang talagang sexual na pagtatagpo...At pagkatapos, ang pagpaparaos o ang pagtatapos, na tila isang siklo sa pagbibigay-sanghaya sa laman. Sa ganitong proseso, maaaring pumasok ang sining. Ilang pelikulang pornograpiya ang susuriin sa pag-aaral na itoat gagawing angkla ang teoryang Sexuality ni Michel Foucault (1984).