Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan

Ang mabilis na pagkasira ng kalikasan ay isang malaki at mabigat na suliranin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang mabilis at malawakang pagkasira nito ay malaking banta sa kaligtasan at buhay ng mga tao gayon din ng maraming buhay sa daigdig. Ang ganitong kalagayan ay nanganga...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Aranda, Ma. Rita Recto
Format: text
Published: Animo Repository 2014
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/11926
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:faculty_research-14353
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:faculty_research-143532024-05-15T08:06:05Z Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan Aranda, Ma. Rita Recto Ang mabilis na pagkasira ng kalikasan ay isang malaki at mabigat na suliranin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang mabilis at malawakang pagkasira nito ay malaking banta sa kaligtasan at buhay ng mga tao gayon din ng maraming buhay sa daigdig. Ang ganitong kalagayan ay nangangailangan din nang mabilis na pagkilos upang mailigtas ang nanganganib na kapaligiran at kalikasan. Dahil dito, kinakailangan ang puspusang pangangampanya upang iligtas ito sa unti-unti nitong pagkasira at ito ay magsisimula sa pagpukaw ng kamalayan ng lahat ng tao upang mahikayat silang tumulong sa pagliligtas dito. Ang musika bilang isang sining ay mabisang behikulo ng paghahatid ng mensahe at mga impormasyon; may kapangyarihang magpaantig ng damdamin, may kakayahang pukawin ang kamalayan ng tao at may lakas upang magpakilos sa isang sambayanan tungo sa isang mabuting layunin. Ang awitin bilang bahagi ng musika ay epektibong paraan upang pukawin ang kaisipan ng mga taong pangalagaan ang kapaligiran at kalikasan at magsagawa ng tamang pagkilos tungo sa pagliligtas dito.Tinalakay sa papel na ito ang kakayahan ng awiting pangkalikasan sa paglikha ng kamalayan sa mga isyu at suliraning pangkalikasan. Tiningnan rin sa pag-aara kung epektibong behikulo ang mga awitin sa pagpaparating ng mensahe tungkol sa wastong pangangalaga sa kalikasan. Layunin nitong (1) tuklasin ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa unang taon sa Pamantasang De La Salle sa mga isyu/problemang pangkalikasan at sa mga awiting pangkalikasan; (2) alamin kung nakatutulong ang mga awiting ito sa pagpapataas ng antas ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan; (3) tukuyin ang mga awiting Pilipinong pangkalikasan na naglalaman ng mga isyu/suliraning pangkalikasan at ng wastong pangangalaga dito; at (4) ilahad kung paano nagagamit ang mga awitin sa pagpukaw ng kamalayan.Napatunayan sa pananaliksik na bagamat malay ang mga mag-aaral sa mga isyu/suliraning pangkalikasan ay kailangan pa ring patuloy na imulat at hubugin ang kanilang kamalayan upang makagawa ng pagkilos na maktutulong sa pagliligtas sa nasisirang kalikasan. Samantalang ang muskika bilang isang sining ay epektibong gamitin sa pagpapaalam sa mga tao ng seryosong kalagayan at putuloy na pagkasira ng kalikasan. Ang mensaheng taglay ng mga awitin ay nakatutulong upang pag-alabin at hikayatin ang mga taong kumilos upang gumawa ng paraan kung paano maililigtas ang kalikasan. 2014-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/11926 Faculty Research Work Animo Repository Environmentalism--Philippines Folk songs--Philippines Environmental education--Philippines Environmental protection—Songs and music Environmental Studies Music
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
topic Environmentalism--Philippines
Folk songs--Philippines
Environmental education--Philippines
Environmental protection—Songs and music
Environmental Studies
Music
spellingShingle Environmentalism--Philippines
Folk songs--Philippines
Environmental education--Philippines
Environmental protection—Songs and music
Environmental Studies
Music
Aranda, Ma. Rita Recto
Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
description Ang mabilis na pagkasira ng kalikasan ay isang malaki at mabigat na suliranin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang mabilis at malawakang pagkasira nito ay malaking banta sa kaligtasan at buhay ng mga tao gayon din ng maraming buhay sa daigdig. Ang ganitong kalagayan ay nangangailangan din nang mabilis na pagkilos upang mailigtas ang nanganganib na kapaligiran at kalikasan. Dahil dito, kinakailangan ang puspusang pangangampanya upang iligtas ito sa unti-unti nitong pagkasira at ito ay magsisimula sa pagpukaw ng kamalayan ng lahat ng tao upang mahikayat silang tumulong sa pagliligtas dito. Ang musika bilang isang sining ay mabisang behikulo ng paghahatid ng mensahe at mga impormasyon; may kapangyarihang magpaantig ng damdamin, may kakayahang pukawin ang kamalayan ng tao at may lakas upang magpakilos sa isang sambayanan tungo sa isang mabuting layunin. Ang awitin bilang bahagi ng musika ay epektibong paraan upang pukawin ang kaisipan ng mga taong pangalagaan ang kapaligiran at kalikasan at magsagawa ng tamang pagkilos tungo sa pagliligtas dito.Tinalakay sa papel na ito ang kakayahan ng awiting pangkalikasan sa paglikha ng kamalayan sa mga isyu at suliraning pangkalikasan. Tiningnan rin sa pag-aara kung epektibong behikulo ang mga awitin sa pagpaparating ng mensahe tungkol sa wastong pangangalaga sa kalikasan. Layunin nitong (1) tuklasin ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa unang taon sa Pamantasang De La Salle sa mga isyu/problemang pangkalikasan at sa mga awiting pangkalikasan; (2) alamin kung nakatutulong ang mga awiting ito sa pagpapataas ng antas ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan; (3) tukuyin ang mga awiting Pilipinong pangkalikasan na naglalaman ng mga isyu/suliraning pangkalikasan at ng wastong pangangalaga dito; at (4) ilahad kung paano nagagamit ang mga awitin sa pagpukaw ng kamalayan.Napatunayan sa pananaliksik na bagamat malay ang mga mag-aaral sa mga isyu/suliraning pangkalikasan ay kailangan pa ring patuloy na imulat at hubugin ang kanilang kamalayan upang makagawa ng pagkilos na maktutulong sa pagliligtas sa nasisirang kalikasan. Samantalang ang muskika bilang isang sining ay epektibong gamitin sa pagpapaalam sa mga tao ng seryosong kalagayan at putuloy na pagkasira ng kalikasan. Ang mensaheng taglay ng mga awitin ay nakatutulong upang pag-alabin at hikayatin ang mga taong kumilos upang gumawa ng paraan kung paano maililigtas ang kalikasan.
format text
author Aranda, Ma. Rita Recto
author_facet Aranda, Ma. Rita Recto
author_sort Aranda, Ma. Rita Recto
title Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
title_short Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
title_full Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
title_fullStr Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
title_full_unstemmed Mga awiting Pilipinong pangkalikasan: Pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
title_sort mga awiting pilipinong pangkalikasan: pumukaw ng kamalayan sa mga isyu/suliraning pangkalikasan
publisher Animo Repository
publishDate 2014
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/11926
_version_ 1800918854275170304