Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan

Ang papel pananaliksik na ito ay survey at pagsusuri sa pagbabago ng kamalayan, kapaniwalaan at mga tradisyong Tagalog kaugnay ng huling yugto ng buhay tungo sa kamatayan. Magkakaugnay ang mga ritwal sa pagpapagaling ng may karamdaman, paghahanda ng kaluluwa ng mamamatay, paghahatid sa huling hantun...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Ubaldo, Lars Raymund Cortuna
Format: text
Published: Animo Repository 2009
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/12640
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:faculty_research-14546
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:faculty_research-145462024-06-11T08:21:18Z Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan Ubaldo, Lars Raymund Cortuna Ang papel pananaliksik na ito ay survey at pagsusuri sa pagbabago ng kamalayan, kapaniwalaan at mga tradisyong Tagalog kaugnay ng huling yugto ng buhay tungo sa kamatayan. Magkakaugnay ang mga ritwal sa pagpapagaling ng may karamdaman, paghahanda ng kaluluwa ng mamamatay, paghahatid sa huling hantungan/paglilibing at pagtungo sa kabilang buhay sapagkat nakakabit ito sa kabuuang pagpapakahulugan sa pag-iral ng tao. Magsisilbing halimbawa sa pagtalakay sa kasalukuyang papel ang kamalayan sa likod ng ritwal sa paghahanda ng kaluluwa ng taong nasa bingit ng kamatayan na dating isinasagawa ng mga babaylan/katalonan ngunit paglaon ay nagbagong-anyo/iniangkop tulad ng "marangal at magandang kamatayan" at maging ang mga nakapasok na paniniwala tulad ng huling paghuhukom at kaligtasan ng kaluluwa bukod sa iba pa. Sa kaso ng mga Tagalog, bunsod ng karanasang historikal, nagbagu-bago at nag-iba iba ang mga paniniwalang ito. Ang kalakhan ng pagkakaiba at pagbabago ay may relihiyosong dimensiyon tulad ng lumilitaw sa paghahambing sa dating sistema ng kapaniwalaan at sa pagpasok ng Kristiyanismo bagamat may mapapansing pagtatagpo at pag-aangkop. Bilang batayan ng kasalukuyang pag-aaral, makabuluhan ang pagtatala sa marami pang buhay na mga ritwal at tradisyon gayundin ang mga dokumentasyon ng mga ng mga material na patunay sa paniniwala tulad ng makikita sa mga larawan, pinta, ukit,s emeteryo bukod sa iba pa. May mga dokumentog historikal din at mga nakalimbag na batis tulad ng aklat-dasalan, akda para sa katesismo at akdang pampanitikan na malaki ang tulong bilang hanguan ng impormasyon para sa pagsubaybay sa pagbabago at pagpapatuloy ng mayamang kapaniwalaan sa transisyon mula buhay tungong kamatayan. Sa pamamagitan ng pagusuring tekstuwal ng mga pinagmumulan ng impormasyon na nabanggit sa itaas at pag-uugnay nito sa mga etnohistorikal na tala, inaasahang masusulyapan ang isang dimensiyon ng pag-unawa at pagpapakahulogan ng mga Tagalog sa buhay at pag-iral. 2009-03-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/12640 Faculty Research Work Animo Repository Death—Social aspects—Philippines—History Tagalog (Philippine people)—Social life and customs Funeral rites and ceremonies—Philippines Asian History
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
topic Death—Social aspects—Philippines—History
Tagalog (Philippine people)—Social life and customs
Funeral rites and ceremonies—Philippines
Asian History
spellingShingle Death—Social aspects—Philippines—History
Tagalog (Philippine people)—Social life and customs
Funeral rites and ceremonies—Philippines
Asian History
Ubaldo, Lars Raymund Cortuna
Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan
description Ang papel pananaliksik na ito ay survey at pagsusuri sa pagbabago ng kamalayan, kapaniwalaan at mga tradisyong Tagalog kaugnay ng huling yugto ng buhay tungo sa kamatayan. Magkakaugnay ang mga ritwal sa pagpapagaling ng may karamdaman, paghahanda ng kaluluwa ng mamamatay, paghahatid sa huling hantungan/paglilibing at pagtungo sa kabilang buhay sapagkat nakakabit ito sa kabuuang pagpapakahulugan sa pag-iral ng tao. Magsisilbing halimbawa sa pagtalakay sa kasalukuyang papel ang kamalayan sa likod ng ritwal sa paghahanda ng kaluluwa ng taong nasa bingit ng kamatayan na dating isinasagawa ng mga babaylan/katalonan ngunit paglaon ay nagbagong-anyo/iniangkop tulad ng "marangal at magandang kamatayan" at maging ang mga nakapasok na paniniwala tulad ng huling paghuhukom at kaligtasan ng kaluluwa bukod sa iba pa. Sa kaso ng mga Tagalog, bunsod ng karanasang historikal, nagbagu-bago at nag-iba iba ang mga paniniwalang ito. Ang kalakhan ng pagkakaiba at pagbabago ay may relihiyosong dimensiyon tulad ng lumilitaw sa paghahambing sa dating sistema ng kapaniwalaan at sa pagpasok ng Kristiyanismo bagamat may mapapansing pagtatagpo at pag-aangkop. Bilang batayan ng kasalukuyang pag-aaral, makabuluhan ang pagtatala sa marami pang buhay na mga ritwal at tradisyon gayundin ang mga dokumentasyon ng mga ng mga material na patunay sa paniniwala tulad ng makikita sa mga larawan, pinta, ukit,s emeteryo bukod sa iba pa. May mga dokumentog historikal din at mga nakalimbag na batis tulad ng aklat-dasalan, akda para sa katesismo at akdang pampanitikan na malaki ang tulong bilang hanguan ng impormasyon para sa pagsubaybay sa pagbabago at pagpapatuloy ng mayamang kapaniwalaan sa transisyon mula buhay tungong kamatayan. Sa pamamagitan ng pagusuring tekstuwal ng mga pinagmumulan ng impormasyon na nabanggit sa itaas at pag-uugnay nito sa mga etnohistorikal na tala, inaasahang masusulyapan ang isang dimensiyon ng pag-unawa at pagpapakahulogan ng mga Tagalog sa buhay at pag-iral.
format text
author Ubaldo, Lars Raymund Cortuna
author_facet Ubaldo, Lars Raymund Cortuna
author_sort Ubaldo, Lars Raymund Cortuna
title Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan
title_short Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan
title_full Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan
title_fullStr Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan
title_full_unstemmed Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan
title_sort kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: pananaw mula sa kasaysayan
publisher Animo Repository
publishDate 2009
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/12640
_version_ 1806061235960020992