Kalayaan at kapayapaan bilang mga aspeto ng art: Isang pagbabalangkas sa proseso ng pagpapakahulugan sa "kaartehan"

Sa pangkaraniwang pagtingin, may dalawang maaring kahulugan ang “art.” Ang una ay may kinalaman sa extension ng konseptong art o mga halimbawa nito (Acuna, Andrecito, Jr. Philosophical analysis. University of the Philippines Press, 2004). Tinutukoy dito kung anong uri ng art ang pinag-uusapan. Maaar...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Esteves, Martin Joseph C.
Format: text
Published: Animo Repository 2015
Subjects:
Art
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/5242
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Sa pangkaraniwang pagtingin, may dalawang maaring kahulugan ang “art.” Ang una ay may kinalaman sa extension ng konseptong art o mga halimbawa nito (Acuna, Andrecito, Jr. Philosophical analysis. University of the Philippines Press, 2004). Tinutukoy dito kung anong uri ng art ang pinag-uusapan. Maaaring ito ay painting, sculpture o installation art. Ang mga halimbawa ng art na nabanggit ay naglalahad ng kakanyahan nito at pagkakaiba-iba. Ang pangalawa ay may kinalaman sa “intension” ng koseptong art o mga katangiang nagbubukod sa art sa mga hindi art (Acuna, 2004). Para sa ilan, ang ibig tukuyin dito ay ang “esensya” ng art. Sinisikap na intindihin kung ano ang mahalaga sa art na hindi matatagpuan sa hindi art. Ang “kaartehan”, sa pagtukoy na ito, ang nagbibigay ng kakaibang kahalagahan sa lahat ng art dahil sa kanilang pagkabilang sa isang espesyal na uri. Ang papel na ito ay pagpapaliwanag ng isang balangkas tungo sa pagkakaintindi ng “kaartehan.” Kung mas nabibigyan ng kahulugan ang tao dahil sa pagkatao nito, nabibigyan din ng mas malalim na anyo ang art sa pagkaunawa ng “kaartehan” nito. Upang malinawan ang ibig sabihin ng “kaartehan”, sinusuri ang pagkakaiba ng art sa mga bagay at likha ng tao na madali nating matatanggap na hindi art. Dalawang aspeto ng art ang ilalahad: ang una ay ang aspeto ng kalayaan sa art at ang pangalawa ay ang kapayapaang dulot nito. Sa pamamagitan ng dalawang aspetong ito, nagagawang patingkarin ang kahulugan ng “kaartehan” ng art. Nakikita sa balangkas na ginagawa rito kung paano pinapakahulugan ang dalawang aspeto ng “kaartehan” ng art: ang kalayaan na dulot sa audience ng at kapayapaan sa kalooban ng artist. Sa pamamagitan nito, higit nating nauunawaan ang lugar ng art sa buhay ng tao.