Isang dosenang pagdalumat-feminismo sa mga piling akda

Ang papel na ito ay isang pagdalumat sa mga naisagawang pag-aaral hinggil sa papel ng mga babaeng Pilipina sa iba’t ibang genre ng panitikang Pilipino (ie maikling-kwento, sanaysay, nobela atbp). Pinili ang labindalawang pananaliksik batay sa mga pagsusuring naisagawa na may kinalaman sa feminismo,...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Gannaban, Maria Fe E.
Format: text
Published: Animo Repository 2011
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/6038
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Ang papel na ito ay isang pagdalumat sa mga naisagawang pag-aaral hinggil sa papel ng mga babaeng Pilipina sa iba’t ibang genre ng panitikang Pilipino (ie maikling-kwento, sanaysay, nobela atbp). Pinili ang labindalawang pananaliksik batay sa mga pagsusuring naisagawa na may kinalaman sa feminismo, partikular ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa lipunang Pilipino; gayundin ang repleksyon ng feminismo sa iba't ibang genre ng panitikan. Sinipat sa mga nabanggit na genre kung ano ang sinasabi ng mga teksto sa papel na nararapat gampanan ng kababaihan sa lipunang Pilipino at madalumat ang istatus ng mga babae sa pagbubuo ng bansang Pilipino. Tinangka ring dalumatin sa papel na ito ang iba't ibang papel na ginagampanan ng mga babaeng Pilipino. Inilahad ang ilang mahahalagang konsepto hinggil sa labindalawang pananaliksik at sinuri ito. Pagkatapos ay ang pag-classify o pag-cluster sa uri ng feminismong pinaniniwalaan ng mga Pilipinong awtor. Ang paglalahad sa datos ay inayos nang paalpabeto (Ardales, Canares, de Roca, Garcia, Lacsamana, Maranan, Marquez Recto, Robles, Rosales, Santiago, at Tepace). Pagkatapos, sinagawa ang pagsusuri sa bawat isa. Tinukoy ang uri ng feminismo sa bawat pag-aaral batay sa kahulugang nakasaad sa iba't ibang uri ng feminismo at dinalumat kung ito ay umiral o nangibabaw sa teksto ng pananaliksik.