Sino ang may hiya at sino naman ang wala? Paunang pagtitibay sa panukat ng hiya bilang isang pagpapahalaga

Paano nga ba naiiba ang isang taong may mataas na pagpapahalaga sa hiya (may hiya) kumpara sa isang taong mababa ang pagpapahalaga dito (walang hiya)? Upang masagot ito, nagsagawa ng dalawang pag-aaral na may dalawang pangunahing layunin: (1) bumuo ng isang matatag at mabisang Panukat ng Hiya bilang...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Clemente, Jose Antonio R., Galang, Adrianne John R., Arpon, Alessandra T.
Format: text
Published: Animo Repository 2022
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/6269
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Paano nga ba naiiba ang isang taong may mataas na pagpapahalaga sa hiya (may hiya) kumpara sa isang taong mababa ang pagpapahalaga dito (walang hiya)? Upang masagot ito, nagsagawa ng dalawang pag-aaral na may dalawang pangunahing layunin: (1) bumuo ng isang matatag at mabisang Panukat ng Hiya bilang isang Pagpapahalaga (PHP) at (2) tukuyin ang empirikal na kaugnayan ng hiya sa mga ugali (trait), saloobin (attitude), at kilos na lumalabag sa panuntunan ng lipunan (norm violation). Sa parehong pag-aaral, sumagot ng online questionnaire ang mga kalahok. Alinsunod sa mga naunang pagdalunat sa hiya bilang pagpapahalaga (e.g. Enriquez 1992), binigyang-kahulugan ito bilang pagsasaalang-alang sa mga iisipin at mararamdaman ng ibang tao bago ang ano mang pagkilos. Mula rito, lumikha sa unang pag-aaral ng mga aytem na susukat sa hiya. Nirebesa ito sa ikalawang pag-aaral. Matatag ang mungkahing bersyon ng PHP na may 16 na aytem (a = .89). Tinasa ang bisa nito sa pamamagitan ng pagpapakita na may pagkakatangi ang hiya sa mga ugaling tulad ng agreeableness at social desirability (SD). Nakita ring may kontribusyon ang hiya sa pagpapaliwanag ng mga norm violation na iba at higit pa sa kayang ipaliwanag ng mga ugali. Tinalakay ang posibilidad na may (1) inhibitory at accommodative function ang hiya at (2) dalawa ang dimensyong pumapailalim dito (hiya sa hindi ibang tao at hiya sa ibang tao).