Mahirap ka na nga, malulungkot ka pa, mas mahirap ‘yon! Pagiging masayahin at paraan ng pag-agapay ng karaniwang pamilyang Filipino sa harap ng hirap

Isinagawa ang pagtatanung-tanong sa ilang piling lugar sa Kamaynilaan noong Agosto 2008 bilang bahagi ng hinihingi sa kursong Sikolohiyang Panlipunan. Itinanong ng mga estudyante ng sikolohiya sa mga naging kalahok na mga maralitang taga-lungsod sa kanilang mga umpukan ang kahulugan ng kaligayahan,...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Javier, Roberto E., Jr.
Format: text
Published: Animo Repository 2008
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/7363
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Isinagawa ang pagtatanung-tanong sa ilang piling lugar sa Kamaynilaan noong Agosto 2008 bilang bahagi ng hinihingi sa kursong Sikolohiyang Panlipunan. Itinanong ng mga estudyante ng sikolohiya sa mga naging kalahok na mga maralitang taga-lungsod sa kanilang mga umpukan ang kahulugan ng kaligayahan, kung ano ang nagdudulot ng kasiyahan pati na ang mga paraan upang sila ay maging masaya. Isinaayos ang mga natipong sagot sa pamamagitan ng pagpapangkat ayon sa pagkakatulad ng mga sinabi. Inisa-isa ang mga sinabi at inihanay kung saan dapat na pangkat kasali ang sagot. Ang mga pangkat ay nabuo ayon na rin sa pinapaksa ng mga naging tugon sa mga tanong. Sa simula, isinasagawa ang pagpapangkat sa mga magkakatulad na sagot/salita/sinabi mula sa isang set ng datos. Matapos ang panimulang paghahanay ay inisipan ng paksa ang mga ito upang siyang magbuo sa mga natukoy na pangkat ng mga sagot. Ang nalikha sa isip na paksa ay pagpapakahulugan mismo sa mga hayag na kasagutan ng mga kalahok. Inulit sa lahat ng natirang iba pang mga set ng datos ang paghahanay, pagpapangkat, pagsali sa naisip na paksa, at kung mayroong hindi maihahanay sa mga naunang nabuong pangkat ay ginawan din naman ng iba pang paksa ang mga ito. Nilapatan ng paliwanag ang mga umiiral na paksa ayon sa literatura at sariling haka na rin. Ilan sa mahahalagang paksa ay may kinalaman sa pagdama ng ligaya, pagdanas ng sarap, at paraan sa pagsasaya ng mga maralitang pamilyang Filipino. Nakapagpapaisip ang pagtukoy sa paghahanap ng dahilan upang maging masayang lagi bilang pagagapay na rin at pagharap sa hirap ng buhay. Nakahahagilap ng mga paraan upang maibsan ang bagot at lungkot na dulot ng hikahos at kapos na buhay. Sa kanilang kantahan o kuwentuhan ay laging may kaunting salusalo dahil sama-sama sa piling ng pamilya o kaibigan. Ayon sa kanila, lalo sanang masarap mabuhay kung hindi sadlak sa hirap. Hindi naman kailangan ng karangyaan sapagkat may kasiyahan na kung may napagkakasya. Nasa pagkatao ang pagkamasayahin na pinatitibay ng pagsasama-sama. Buo ang loob na humarap sa hirap basta magkakasama ang mga magulang at mga anak, magkakalapit ang loob sa mga kasama sa trabaho, may pakikipagkapwa, at higit sa lahat may pananalig sa Maykapal.