Papel, kilos, mungkahi: Ang anak na lalaki sa mata at puso ng ama
Marami na rin ang nalathalang artikulong pangsikolohiya na tumutukoy sa relasyong ama at anak magmula noong sumikat ang mga uri ng ama ayon kay Dr. Allen Tan (1989), mga pagbabago sa mga gawain ng ama kumpara sa kanilang mga ama na sinulat naman ni Dr. Dalisay (1983) at ang pagkategorya ng mga ama a...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Animo Repository
2006
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/8422 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Summary: | Marami na rin ang nalathalang artikulong pangsikolohiya na tumutukoy sa relasyong ama at anak magmula noong sumikat ang mga uri ng ama ayon kay Dr. Allen Tan (1989), mga pagbabago sa mga gawain ng ama kumpara sa kanilang mga ama na sinulat naman ni Dr. Dalisay (1983) at ang pagkategorya ng mga ama ayon sa pag pagbabahagi ng paniniwala o saloobin tungkol sa sekswalidad at pag-ibig na inilathalang aklat Pakalalake: Men in Control? na sinaliksik nila Dr. Dalisay (2000) at iba pa. Lumalabas sa mga artikulong ito na ang papel ng mga lalaki bilang ama at asawa ay nagkakaroon ng ng mga pagbabago dahil na rin sa mga pagbabago sa panahon lalo na sa kababaihan, panibagong interes sa kalitatibong pananaliksik ekonomiya at mga hinaing ng mga tinatawag na "enlightened" males.Labing isang ama ang tig-isa kinapanayam ng malaliman tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang pagpapahayag ng pagiging malapit sa anak na lalaki. Ang mga ama ay karamihan middle-class, may anak na teen-ager at kasal na mahigait 15 taon na. Lahat ng ama na nagpahayag ng kanilang karanasan ay nakatuntong sa kolehiyo at the least. Ang mga asawa nila ay nagtatrabaho rin kahit na papano. Ang bawat panayan ay umabot ng higit isang oras. Karamihan sa kanila ay sa kanilang bahay nagpa-interbyu at sa week-end (Sabado o Linggo)May pitong tema ang lumabas sa pag-babad sa mga transcripts:1. Pisikal na aspeto na pagpapahayag ng pagmamahal2. Pagbabalanse ng pagiging kaibigan ng anak at pagpapanatili ng respeto3. Ang pagtangkang bigyan ng ispiritwal o ideal na direksyon4. Tagapagbigay ng kumpyansa (panloob at pambribado)5. Tradisyonal na pagtingin sa pag-aalaga: maraming gulo na nangangailangan ng pagsasakripisyo. Ang pagpapalago ng pamilya ay dapat gampanan6. Mga pagbabago (kumpara sa ama nila: pagtanggap ng kabuluhan ng emosyon o sentimiento; pagtanggap sa pagiging "ina"7. Ang pagkakataong maipagmalaki ng isa't isa (ama ang anak) and isa't isa (anak ang ama)
Ang implikasyon ng mga ito sa kalinga sa relasyon nito sa pagkalalake, sa counseling at pagyabong ng interaksyong panlalaki ay binigyan diin. |
---|