Ang Tanawing Pangwika Bilang Pook-Lunan ng mga Usaping Pangwika sa Pilipinas

Ang negatibong pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili ay mababakas sa sitwasyon ng wikang Filipino at ng mga lokal at dayuhang wika sa bansa sa pamamagitan ng pagtingin at pag-usisa sa ating kapaligiran partikular ang wikang makikita rito na tinatawag na tanawing pangwika o linguistic land...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Nibalvos, Ian Mark P.
Format: text
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol37/iss1/5
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/malay/article/1004/viewcontent/5Nibalvos_revised.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Ang negatibong pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili ay mababakas sa sitwasyon ng wikang Filipino at ng mga lokal at dayuhang wika sa bansa sa pamamagitan ng pagtingin at pag-usisa sa ating kapaligiran partikular ang wikang makikita rito na tinatawag na tanawing pangwika o linguistic landscape (LL). Ito ang sitwasyong nais suriin ng papel na ito, partikular ang ipinahihiwatig ng mga pag-aaral kaugnay sa tanawing pangwika sa iba’t ibang pook sa bansa na may tuon sa tinatawag na “top-down signs” o mga karatula o signages na ginawa o nagmula sa pamahalaan o mga ahensiyang pampamahalaan. Partikular na nais matugunan ng pag-aaral na ito ang sumusunod na mga kaugnay na katanungan: a.) Ano- ano ang kinalalabasan ng mga pag-aaral tungkol sa tanawing pangwika sa iba’t ibang pook sa bansa sa estado ng paggamit ng wikang Filipino at ng mga lokal na wika sa bansa? b.) Paano sinasalamin ng tanawing pangwika sa bansa ang tunguhin ng mga polisiyang pangwika mula nang maiakda ang Konstitusyong 1987 hanggang sa kasalukuyan? c.) Anong mga hakbang ang isinasagawa ng mga indibidwal at pangkat (nasa gobyerno man o nasa pribadong institusyon) bilang pagkontra sa pagsasakapangyarihan ng Ingles sa mga polisiyang pangwika? Ito ay isang deskriptibong pagsipat sa estado ng mga wika sa pook sa bansa partikular sa mga wikang ginagamit sa mga karatula o signs na nagmumula sa pamahalaan. Tuon lamang nito ang pagsusuri ng mga saliksik-papel tungkol sa tanawing pangwika sa Pilipinas.