Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin

Sa popularidad ng paggamit ng ChatGPT (o Chat Generative Pretrained Transformer) sa kasalukuyan, malaki ang nakikitang potensiyal at banta sa mga akomodasyong naipamamalas nito, kabilang ang pagsasalin. Sa ibang obserbasyon, nagiging makahulugan ang kakayahan nitong language model na makagamit, maka...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Bosque, Ariel U.
Format: text
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol37/iss1/6
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/malay/article/1005/viewcontent/6bosque_revised.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:malay-1005
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:malay-10052025-02-03T09:50:08Z Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin Bosque, Ariel U. Sa popularidad ng paggamit ng ChatGPT (o Chat Generative Pretrained Transformer) sa kasalukuyan, malaki ang nakikitang potensiyal at banta sa mga akomodasyong naipamamalas nito, kabilang ang pagsasalin. Sa ibang obserbasyon, nagiging makahulugan ang kakayahan nitong language model na makagamit, makaproseso, at makalikha ng teksto sa wikang Filipino, sa kabila ng limitado pa nitong database. Sa pagtatangkang masubok ang kakayahan ng ChatGPT na makapagsalin, pangkalahatang layon ng papel na masuri ang lexical choice na umiiral sa mga naisaling teksto mula sa Wikang Ingles (simulaang wika) patungong Wikang Filipino (tunguhang wika). Isinakatuparan ang pagsusuri sa pamamagitan ng paggamit ng tatlumpung pangungusap na manwal na pinili ng mananaliksik mula sa Twitter Corpus of Philippine Englishes. Verbatim na ginamit ang mga lahok na pangungusap at isinalang sa ChatGPT nang may prompt na nag-uutos upang isalin ito sa Filipino. Gumamit ang mananaliksik ng isang concordance application upang maisaayos ang mga nakalap na naisaling token. Mula sa mga pinagdaanang proseso, nakalikom ang mananaliksik ng 179 na token na binubuo ng sampung leksikal na kategorya. Mamamalas sa pagsusuri ang kalantaran ng mga salitang posibleng madalas gamitin at mabasa ng sinumang gumagamit ng wikang Filipino. Repleksiyon ito ng tangka ng ChatGPT na aktuwal na magaya at makopya ang pangkaraniwan at palasak na paggamit ng wika ng madla. Makikita rin dito ang pagsisikap ng AI na maitugma ang salin sang-ayon sa pinakamalapit na konteksto, bagaman, may ilang pagkakamali sa palabantasan nito at kalabisan sa paggamit ng komposisyong nagpapakita ng linguistic hybridization. Sa buong sarbey, may isang salita hango sa naisaling awtput (mapuslan) na hindi lumalabas sa anumang kinonsultang leksikograpikong reperensiya. Naobserbahan naman sa mga lahok ang ilang makahulugang pagpili ng ChatGPT ng salitang gagamitin bilang salin. Naikategorya sa pag-aaral ang mga kaangkupan ng ginamit na salin sa konteksto ng pangungusap; leksikal at semantik na katangian at impormasyong taglay ng salita; at komposisyong morpolohikal na salita at hybridization nito. Sa kabuoan, natuklasang: (a) hindi maisasantabi ang halaga ng kasanayang pampagsasalin ng isang aktuwal na tagasaling may taglay-taglay na kasanayan at kaalaman tuon sa pagsasalin at barayti ng wika; (b) mahalaga ang pagsisinop ng mga salitang tiyak na aangkop sa panlasa, pagtanggap, kakayahan, at kapasidad ng sinumang babasa ng isinalin; (c) kailangang maisaalang-alang ng isang tagasalin ang malawak na baryasyon ng ridersyip na may iba’t ibang intensiyon sa pagbasa; at (d) bagaman may kakayahan ang ChatGPT na makapagsalin, hindi maaaring mawala ang presensiya ng isang tagasalin pagkat mahalaga pa rin ang mga elementong naglalapat ng kahulugan, konteksto, katuturan, at komprehensiyong tanging tao lamang ang nakasasapol at nakarananas. 2024-12-30T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol37/iss1/6 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/malay/article/1005/viewcontent/6bosque_revised.pdf Malay Journal Animo Repository artificial intelligence; ChatGPT; lexical choice; pagsasalin; token Social and Behavioral Sciences
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
topic artificial intelligence; ChatGPT; lexical choice; pagsasalin; token
Social and Behavioral Sciences
spellingShingle artificial intelligence; ChatGPT; lexical choice; pagsasalin; token
Social and Behavioral Sciences
Bosque, Ariel U.
Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin
description Sa popularidad ng paggamit ng ChatGPT (o Chat Generative Pretrained Transformer) sa kasalukuyan, malaki ang nakikitang potensiyal at banta sa mga akomodasyong naipamamalas nito, kabilang ang pagsasalin. Sa ibang obserbasyon, nagiging makahulugan ang kakayahan nitong language model na makagamit, makaproseso, at makalikha ng teksto sa wikang Filipino, sa kabila ng limitado pa nitong database. Sa pagtatangkang masubok ang kakayahan ng ChatGPT na makapagsalin, pangkalahatang layon ng papel na masuri ang lexical choice na umiiral sa mga naisaling teksto mula sa Wikang Ingles (simulaang wika) patungong Wikang Filipino (tunguhang wika). Isinakatuparan ang pagsusuri sa pamamagitan ng paggamit ng tatlumpung pangungusap na manwal na pinili ng mananaliksik mula sa Twitter Corpus of Philippine Englishes. Verbatim na ginamit ang mga lahok na pangungusap at isinalang sa ChatGPT nang may prompt na nag-uutos upang isalin ito sa Filipino. Gumamit ang mananaliksik ng isang concordance application upang maisaayos ang mga nakalap na naisaling token. Mula sa mga pinagdaanang proseso, nakalikom ang mananaliksik ng 179 na token na binubuo ng sampung leksikal na kategorya. Mamamalas sa pagsusuri ang kalantaran ng mga salitang posibleng madalas gamitin at mabasa ng sinumang gumagamit ng wikang Filipino. Repleksiyon ito ng tangka ng ChatGPT na aktuwal na magaya at makopya ang pangkaraniwan at palasak na paggamit ng wika ng madla. Makikita rin dito ang pagsisikap ng AI na maitugma ang salin sang-ayon sa pinakamalapit na konteksto, bagaman, may ilang pagkakamali sa palabantasan nito at kalabisan sa paggamit ng komposisyong nagpapakita ng linguistic hybridization. Sa buong sarbey, may isang salita hango sa naisaling awtput (mapuslan) na hindi lumalabas sa anumang kinonsultang leksikograpikong reperensiya. Naobserbahan naman sa mga lahok ang ilang makahulugang pagpili ng ChatGPT ng salitang gagamitin bilang salin. Naikategorya sa pag-aaral ang mga kaangkupan ng ginamit na salin sa konteksto ng pangungusap; leksikal at semantik na katangian at impormasyong taglay ng salita; at komposisyong morpolohikal na salita at hybridization nito. Sa kabuoan, natuklasang: (a) hindi maisasantabi ang halaga ng kasanayang pampagsasalin ng isang aktuwal na tagasaling may taglay-taglay na kasanayan at kaalaman tuon sa pagsasalin at barayti ng wika; (b) mahalaga ang pagsisinop ng mga salitang tiyak na aangkop sa panlasa, pagtanggap, kakayahan, at kapasidad ng sinumang babasa ng isinalin; (c) kailangang maisaalang-alang ng isang tagasalin ang malawak na baryasyon ng ridersyip na may iba’t ibang intensiyon sa pagbasa; at (d) bagaman may kakayahan ang ChatGPT na makapagsalin, hindi maaaring mawala ang presensiya ng isang tagasalin pagkat mahalaga pa rin ang mga elementong naglalapat ng kahulugan, konteksto, katuturan, at komprehensiyong tanging tao lamang ang nakasasapol at nakarananas.
format text
author Bosque, Ariel U.
author_facet Bosque, Ariel U.
author_sort Bosque, Ariel U.
title Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin
title_short Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin
title_full Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin
title_fullStr Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin
title_full_unstemmed Analisis sa Lexical Choice ng ChatGPT-Generated na Pagsasalin
title_sort analisis sa lexical choice ng chatgpt-generated na pagsasalin
publisher Animo Repository
publishDate 2024
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/malay/vol37/iss1/6
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/malay/article/1005/viewcontent/6bosque_revised.pdf
_version_ 1823107930284621824