I AM (A)PART: Ang Sahaya sa Pananaw ng mga Badjaw at Manlilikha ng Epikserye
Karaniwang mali, kulang, o labis ang paglalarawan ng midya sa mga katutubong pamayanan. Subalit, limitadong-limitado ang mga pag-aaral na nakatuon sa pagsusuri sa motibo ng mga manlilikha ng palabas at maging sa pagtanggap ng mismong mga katutubong pamayanan sa mga produktong pangmidya. Sa ganitong...
Saved in:
Main Authors: | , , , , , |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Animo Repository
2022
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/sinaya/vol1/iss3/6 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/sinaya/article/1049/viewcontent/6_Humanities_Arts_and_Education_Sahaya.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Summary: | Karaniwang mali, kulang, o labis ang paglalarawan ng midya sa mga katutubong pamayanan. Subalit, limitadong-limitado ang mga pag-aaral na nakatuon sa pagsusuri sa motibo ng mga manlilikha ng palabas at maging sa pagtanggap ng mismong mga katutubong pamayanan sa mga produktong pangmidya. Sa ganitong konteksto, nilayon ng pag-aaral na ilarawan ang intensyon ng mga lumikha ng epikseryeng Sahaya at suriin ang naging resepsyon ng mga katutubong Badjaw na pangunahing itinampok sa palabas. Kinapanayam sa pag-aaral sina Zig Dulay at Suzette Doctolero, ang direktor at head scriptwriter ng Sahaya, gayundin ang komunidad ng Badjaw partikular ang Sama-Dilaut mula sa Tawi-tawi. Napag-alaman na masinop na pinag-isipan, sinaliksik, at kinonsulta ang bawat proseso at nilalaman ng Sahaya upang angkop na maitampok ang kultura at tradisyon ng mga Badjaw. Gayundin, sa kabila ng ilang kamalian sa paglalarawan sa katutubong pamayanan, positibo ang pangkalahatang pagtanggap ng komunidad ng Sama-Dilaut sa epikseryeng Sahaya. |
---|