1872-1892: Ang Katwiran at ang Kababalaghan ng Kaayusang Kolonyal sa Trilohiya ng Nobelang Pangkasaysayan ni Gabriel Beato Francisco
Susuriin ng sanaysay na ito ang trilohiya ng nobelang pangkasaysayan ni Gabriel Beato Francisco—ang Fulgencia Galbillo (1907); Capitan Bensio (1907) at Alfaro (1907). Bibigyang-tuon ang diskursong pangkasaysayan na binubuo ni Francisco sa kabuoan ng trilohiya. Samakatuwid; ilalahad ang bisyon o pana...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Archīum Ateneo
2020
|
Subjects: | |
Online Access: | https://archium.ateneo.edu/filipino-faculty-pubs/75 https://hasaan.ust.edu.ph/kategorya-ng-artikulo/tomo-vi-2020/ |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | Ateneo De Manila University |
Summary: | Susuriin ng sanaysay na ito ang trilohiya ng nobelang pangkasaysayan ni Gabriel Beato Francisco—ang Fulgencia Galbillo (1907); Capitan Bensio (1907) at Alfaro (1907). Bibigyang-tuon ang diskursong pangkasaysayan na binubuo ni Francisco sa kabuoan ng trilohiya. Samakatuwid; ilalahad ang bisyon o pananaw pangkasaysayan ni Francisco at kung paano niya isinasalaysay sa anyo ng nobelang pangkasaysayan ang mga suliraning panlipunan na naging ugat ng Himagsikan ng 1896. Sa partikular; bibigyang-pansin kung paano isinalaysay ang pamamalakad ng kolonyal na sistema at kung paano ito naging larangan ng tunggalian sa pagitan ng mga sekular naopisyal ng pamahalaan at ng praylokrasyang itinatag ng mga paring Español. Susuriin ang mga konsepto ng “katwiran” at “kababalaghan” bílang mga pangunahing konseptong gagamítin ng mga nobela upang kumatawan sa nagtutunggaliang panig bukod pa sa mga pamamaraang parehong ginamit ng dalawang panig. Sa ganitong paraa’y malalantad ang tatawagin kong alegoryang pangkasaysayan ng trilohiya. Gámit ng pagkatha ng mga nobelang pangkasaysayan; maaaring mabatid ang pananaw ni Gabriel Beato Francisco hindi lámang tungkol sa nakaraan ng Pilipinas; kundi pinapansin din ang kasalukuyan nitong kalagayan at binabanaag ang landasnito para sa hinaharap. Sa ganito’y muling isasakonteksto ang trilohiya sa kaligiran ng pagtatatag ng kolonyalismong Amerikano. Gayundin; nakapaloob sa mga nobela ang mga halagahang magiging pundasyon ng isang malayang bansang Filipino—ang pamamayani ng katwiran túngo sa kaunlaran ng sambayanang Filipino. |
---|