Pagbitag sa Aswang: Panahon at Pulutong sa Paghahasik sa Gabuhanging Butil
Tampok sa paniniwalang aswang ng Bicol ang tropo ng paghahasik ng mga butil. Upang higit na maunawaan ang naturang tropo at ang mga posibleng implikasyon nito sa foklorikong pagtanaw sa nosyon ng panahon at katalagahan; mahalaga itong isakonteksto sa mas malawak na larang ng mga kuwentong bayan laba...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Archīum Ateneo
2021
|
Subjects: | |
Online Access: | https://archium.ateneo.edu/filipino-faculty-pubs/79 https://philippineculturaleducation.com.ph/cultural-education/ |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | Ateneo De Manila University |
Summary: | Tampok sa paniniwalang aswang ng Bicol ang tropo ng paghahasik ng mga butil. Upang higit na maunawaan ang naturang tropo at ang mga posibleng implikasyon nito sa foklorikong pagtanaw sa nosyon ng panahon at katalagahan; mahalaga itong isakonteksto sa mas malawak na larang ng mga kuwentong bayan labas sa kuwentong aswang. Sa larang na ito; matatagpuan ang kabilang pilas ng tropo sa imahen ng pulutong na dumadalo at humaharap sa mga inihasik na butil. Sa pagtatagpo/pagtatapat ng mga tropo ng butil at pulutong malilikha ang isang pagbasa sa aswang bilang hulagway na naipapako—ngunit sa isang banda’y naitatawid din—sa maraming panahon; at kasabay nito ay bumabaling sa salimuot ng nagtatalabang mga katalagahan bilang sarili at laksa; o bilang indibidwal at lipunan. |
---|