Alternatibong Pagkalalaki, Alternatibong Musika: Ang Eraserheads at Kulturang Popular ng Dekada '90

Lubhang maimpluwensiya ang bandang Eraserheads sa musikang Filipino, subalit hindi kinikilala ang banda bilang tagapagtaguyod ng progresibong politika. Gayumpaman, sa peministang pagsusuri ng mga kanta ng banda, lalo na yaong mga awitin nilang hindi sumikat, makikita ang isang mayabong na diskurso n...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Pante, Michael D
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2021
Subjects:
OPM
Online Access:https://archium.ateneo.edu/history-faculty-pubs/100
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Lubhang maimpluwensiya ang bandang Eraserheads sa musikang Filipino, subalit hindi kinikilala ang banda bilang tagapagtaguyod ng progresibong politika. Gayumpaman, sa peministang pagsusuri ng mga kanta ng banda, lalo na yaong mga awitin nilang hindi sumikat, makikita ang isang mayabong na diskurso ng kritisismo sa dominanteng pagpapakahulugan sa pagkalalaki. Bagama’t nakilala ang banda sa mga popular na kanta na may malinaw na pagkiling sa heteronormative na depinisyon ng pag-ibig, may mga awitin din silang humuhulagpos mula sa dominanteng pag-unawa sa kasarian. Habang hindi isinasantabi ang isyu ng komersiyalisadong kulturang popular, layunin ng sanaysay na ito na balikan ang mga himig ng Eraserheads bilang pagpapatampok sa alternatibong musika na naglalaman ng alternatibong pagtingin sa pagiging isang lalaki sa kasalukuyang lipunang nasasakal na sa populistang machismo.