Mga Biktimang Imahen ng Sundalong Americano at ng Iba: Mga Alegoryang Post-1898 ng Imperyal na Pagbubuo-ng- Bansa bilang “Pag-ibig at Digma”

Sa siping ito buhat sa orihinal na sanaysay, binibigyang-kritika ko ang retorika ng imperyalistang historyograpiya ng mga Americano, politika, at produksiyong kultural kaugnay ng Digmaang Filipino-Americano, at ang pagsasateritoryong-kolonyal ng Estados Unidos sa Pilipinas na kinahantungan nito. Igi...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Campomanes, Oscar V
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2023
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/7
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1007/viewcontent/Katipunan_202023_2011_20No._201_207_20Mga_20Artikulo_20__20Campomanes.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Sa siping ito buhat sa orihinal na sanaysay, binibigyang-kritika ko ang retorika ng imperyalistang historyograpiya ng mga Americano, politika, at produksiyong kultural kaugnay ng Digmaang Filipino-Americano, at ang pagsasateritoryong-kolonyal ng Estados Unidos sa Pilipinas na kinahantungan nito. Iginigiit kong ang mga diskursong imperyalista ng mga Americano hinggil sa Pilipinas at mga Pilipino sa yugtong ito ay nagpapalawig at humahalili sa pananakop ng Estados Unidos at pag-aaklas ng mga Pilipino patungo sa dominyo ng kultura, na nagbunga ng digmaan laban sa mga Pilipino bilang Iba ng America, at itinataguri ko sa sanaysay bilang “ibang digma.” Sa pagmamanipula ng pananakop sa Pilipinas gamit ang nagtutunggaling termino ng digmaan laban, at pag-ibig sa mga Pilipino, naisakatuparan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng mga representasyonal na diskurso at mga tekstong ito na gawing sabayang ubod at laylayan ang aneksasyon ng Pilipinas tungo sa pagbubuo nito bilang isang imperyo at bilang isang bansa.