Mapagcorrectedby na Nuwashunalizims, Pagkajiktimang Nyuweer, at Kalupitan Jones dela Nyoponiz

Nagsisilbing kapaki-pakinabang na rurok ang mga nagbabanggaang representasyon ng mga comfort woman at japayuki sa pag-unawa sa kung paano hinaraya ang pagkabiktima ng mga babae, partikular sa kung paano ikinabit ang nasabing pagkabiktima sa mga nasyonalismong kontra-Hapones at mga panawagan para sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Diaz, Robert
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2023
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/9
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1009/viewcontent/Katipunan_202023_2011_20No._201_209_20Mga_20Artikulo_20__20Diaz.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Nagsisilbing kapaki-pakinabang na rurok ang mga nagbabanggaang representasyon ng mga comfort woman at japayuki sa pag-unawa sa kung paano hinaraya ang pagkabiktima ng mga babae, partikular sa kung paano ikinabit ang nasabing pagkabiktima sa mga nasyonalismong kontra-Hapones at mga panawagan para sa paghilom. Napalilitaw ng mga nabanggit na representasyon ang halaga ng tinatawag ng may-akda na “redressive nationalims,” at isinasalin sa kasalukuyang artikulo bilang “mapagcorrectedby na nuwashunalizims,” nang ginagamit ang isang barayti ng wikang queer. Kasangkot sa mapagcorrectedby na nuwashunalizims ang pagpapagana ng damdaming makabayan at marubdob na nasyonalismo sa pag-uugnay nito sa mga simboliko at ekonomikong anyo ng paghilom. Kaugnay din ng mapagcorrectedby na nuwashunalizims ang pagpapaikot ng mga heteronormatibong nosyon ng pagbiktima, karahasan, at pagpapanauli, lalonglalo na kung ang mga nabanggit na konstruksiyon ay pinahihintulutan, ipinagpapatuloy, at ginagawang institusyonalisado ng bansa-estado. Nagkakaroon ng epekto ang mapagcorrectedby na nuwashunalizims sa kung paano nakikipag-ayos ang Pilipinas sa masalimuot at hindi pantay na relasyon nito sa dating mananakop, sa isang panahong nagbago na ng papel ang Hapon tungo sa pagiging internasyonal na kasosyo sa negosyo sa loob ng magkakakawing na globalisasyon. Sa loob ng gayong politikal na konteksto, paano kaya maaaring ilantad at tuligsain ng mga artistang queer ang mga estratehiyang biswal, retoriko, at pambalarila ng mapagcorrectedby na nuwashunalizims sa pagsasadiwa ng pagkabiktima ng Filipina? Sinusuri ng kasalukuyang artikulo ang The Sex Warrior and the Samurai (1996) ni Nick Deocampo, isang pelikula na nagpapakita ng kalat, episodiko, at magaspang na mga kuwentong gumagambala sa imahen ng comfort woman at japayuki, nang tinuturol ang integral (at tunay ngang radikal) na relasyon sa pagitan ng “kalatchuchiness” (pagiging makalat) at “nyuweer-ness” (“pagiging queer”).