Imperyo Bilang Paghahari ng Digma at Pasismo

Binabalikan ng kasalukuyang artikulo ang gawa ng mga iskolar na nag-aaral tungkol sa Pilipinas at diasporang Pilipino. Nililinaw ang dalawang lapit sa pag-aaral sa imperyo ng Estados Unidos o sa marahas na kolonyalismo ng mga Americano sa Pilipinas matapos ang Digmaang Pilipino-Americano (1899-1902)...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Balce, Nerissa S.
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2023
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/10
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1010/viewcontent/Katipunan_202023_2011_20No._201_2010_20Mga_20Artikulo_20__20Balce.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Binabalikan ng kasalukuyang artikulo ang gawa ng mga iskolar na nag-aaral tungkol sa Pilipinas at diasporang Pilipino. Nililinaw ang dalawang lapit sa pag-aaral sa imperyo ng Estados Unidos o sa marahas na kolonyalismo ng mga Americano sa Pilipinas matapos ang Digmaang Pilipino-Americano (1899-1902). Una, nariyan ang nosyon ng imperyo bilang politikal na idea. Pangalawa, nariyan ang nosyon ng imperyo bilang kultura o mga kabilang buhay ng imperyo na mababakas sa mga kultural na anyo na inakda o nilikha ng mga “suheto ng imperyal na pananakop.” Higit na binibigyang-tuon ng artikulo ang kaso ng araling Filipinx, kung saan tinutukoy ng imperyo ang kasaysayan ng Pilipinas bilang kolonya ng America (o “imperyal na pananakop”) at ang mga kultura ng diasporang Filipinx (o ang mga ekspresibong anyo at kultural na gawain ng mga suheto ng “imperyal na pananakop”). Magkaiba ngunit magkasalikop ang dalawang lapit—bilang idea/kasaysayan at bilang kultura—dahil interdisiplinaryong larang ang araling Filipinx. Ginagamit sa huling bahagi ng artikulo ang nobelang Insurrecto ng Pilipino Americanong nobelista na si Gina Apostol bilang isang tekstong pampanitikan na tumutuklas sa lahat ng kahulugan ng imperyo sa simula ng ikadalawampu’t isang siglo—mula trawma ng militar na okupasyon hanggang sa paghahari ng pandaigdigang digma at pasismo.