Imaheng Transnasyonal: Mga Paglalarawan ng Kalagayang Panlipunan ng mga Migranteng Pilipino sa mga Likha at Praktikang Pansining nina Pacita Abad, Nathalie Dagmang, at Alfredo at Isabel Aquilizan

Ang sining bilang produkto ng kasanayan ay itinuturing din na bahagi ng usapin ng paggawa. Kaugnay nito, ang Overseas Filipino Workers (OFW) bilang bahagi ng lakas-paggawa sa kontemporanyo ay nagsisilbi ring paksa sa mga likhang-sining at praktikang pansining sa kasalukuyan, pati na sa mga pananalik...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Delgado, Gian Carlo
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2023
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/11
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1011/viewcontent/Katipunan_202023_2011_20No._201_2011_20Ateneo_20Art_20Awards_202022_20__20Delgado.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Ang sining bilang produkto ng kasanayan ay itinuturing din na bahagi ng usapin ng paggawa. Kaugnay nito, ang Overseas Filipino Workers (OFW) bilang bahagi ng lakas-paggawa sa kontemporanyo ay nagsisilbi ring paksa sa mga likhang-sining at praktikang pansining sa kasalukuyan, pati na sa mga pananaliksik o personal na sanaysay kung saan mahalagang salik ang pandarayuhan. Sa pag-aaral na ito nilalayong suriin ang sining biswal bilang materyal sa malikhaing pagpapahayag ng damdamin at bilang mahalagang bahagi sa representasyon at materyalisasyon ng karanasang migrante. Sa pagtingin na ito, ang mga likhang-sining at kani-kaniyang praktikang pansining nina Pacita Abad sa serye ng mga likha sa Immigrant Experience, Nathalie Dagmang sa kaniyang mga likhang kabilang sa mga eksibisyong Beyond Myself at Pag-aalay, at sa mga likhang bahagi ng proyektong Project Another Country ng mag-asawang Alfredo at Isabel Aquilizan, ang mga pagtutuonan ng pansin. Ang mga gawi at likha nina Abad, Dagmang, at ng mag-asawang Aquilizan, ay itinuturing na manipestasyon ng iba’t ibang karanasang panlipunan sa pandarayuhan ng mga Pilipino.