Kung sa Bawat Pagtawag ay Pagtawid sa Gubat

Tatlong araw nang binabagtas ni Ruel ang kabundukan sa ilalim ng malakas na ulan. Tumatakas siya mula sa militar, kasama ng iba pang gerilya. Dala ng pagod at gutom, hiniling ni Ruel na bumalik sa mga mundong binisita noon—mga mundong labas sa sarili niyang mundo, kasama ang dating karelasyon na si...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Paradeza, Alec Joshua
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2023
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/79
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1033/viewcontent/Katipunan_11.2_2023___Paradeza___Kung_sa_Bawat_Pagtawag_ay_Pagtawid_sa_Gubat.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Tatlong araw nang binabagtas ni Ruel ang kabundukan sa ilalim ng malakas na ulan. Tumatakas siya mula sa militar, kasama ng iba pang gerilya. Dala ng pagod at gutom, hiniling ni Ruel na bumalik sa mga mundong binisita noon—mga mundong labas sa sarili niyang mundo, kasama ang dating karelasyon na si Ino. Sa pagkalunod sa alaala ay hindi niya namalayan ang nakausling ugat sa dinaraanan at napatid, lumubog ang mukha sa putik. Sa gitna ng bagyo ay babalikan niya ang unang beses na hinatak siya ni Ino mula sa bundok tungo sa isang hotel. Ipinaliwanag sa kaniya ng karelasyon na sa tuwing gusto niyang umalis ay bumubulong lang si Ruel sa hangin. Nakikita ni Ino ang tawag bilang lubid sa hangin, at hihilahin ito ni Ino, palapit sa kaniya. Ngunit gaya ng pagtalon-talon ni Ruel sa mga lugar na iyon ay tatalon-talon din ang ulirat ni Ruel sa alaala ng mga mundo at sa kasalukuyang kalagayan. Haharapin ni Ruel ang napipintong paglapit ng mga kaaway habang hinahawi ang sariling daan sa mga lubid na humihila sa kaniya patungo sa ibang mundo, sa ibang posibilidad na hindi naririto, at ang kalauna’y pagtuklas ng sariling lubid na siya mismo ang magpapasyang hihila.