Orasyon, Bisa, at Mesiyas sa Nightclub: Isang Traslasyon ng Relihiyosong Imahen

Tuon ng sanaysay na ito ang relihiyosong imahen na lunsaran ng artista ng kaniyang komprontasyon sa pananampalataya. Sa pagpili ng Orasyon: Dasal ng Pamilyang Pilipino ng Museo ng UST, Bisa ni Marco Ruben Malto II, at ang pagtatanghal ni Pura Luka Vega, inusisa ang mga artistikong estratehiya sa bis...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Bajet, Noji A.
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2023
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/20
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1034/viewcontent/Katipunan_2011.2_202023_20__20Bajet_20__20Orasyon_2C_20Bisa_2C_20at_20Mesiyas_20sa_20Nightclub.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Tuon ng sanaysay na ito ang relihiyosong imahen na lunsaran ng artista ng kaniyang komprontasyon sa pananampalataya. Sa pagpili ng Orasyon: Dasal ng Pamilyang Pilipino ng Museo ng UST, Bisa ni Marco Ruben Malto II, at ang pagtatanghal ni Pura Luka Vega, inusisa ang mga artistikong estratehiya sa biswalidad at subteksto bilang patunay ng pleksibilidad at mobilidad ng imahen. Gamit ang idea ng “traslasyon” bilang turing sa pagsusubaybay ng mga katangiang ito, magiging ruta ang mga eksibisyon at pagtatanghal upang ipakita kung paanong lumilipat ang relihiyosong imahen mula sa sagradong lugar na pinanggagalingan nito patungo sa iba pang mahahalagang lunan ng diyalogo ng relihiyosong turing sa makasining na gawain. Sa huli, makararating ang sanaysay sa hantungan kung saan iginigiit ang impluwensiya ng pananampalataya sa sining at ng kritikalidad para sa larangan.