sensoradong konsumérebyu: mga sampol

Bahagi ang akdang “sensoradong konsumérebyu: mga sampol” ng mas masaklaw na proyektong may tentatibong pamagat na konsumérebyu. Nagsimula ito noong niligalig ang bansa ng sabayang bigwas ng pandemya at pasismo. Bahagi ng proyekto ang mga set na siya namang binubuo ng lima o higit pang mga screenshot...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Acuña, Tilde
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2023
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/29
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1043/viewcontent/Katipunan_2011.2_202023_20__20Acun_CC_83a_20__20sensoradong_20konsume_CC_81rebyu.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Bahagi ang akdang “sensoradong konsumérebyu: mga sampol” ng mas masaklaw na proyektong may tentatibong pamagat na konsumérebyu. Nagsimula ito noong niligalig ang bansa ng sabayang bigwas ng pandemya at pasismo. Bahagi ng proyekto ang mga set na siya namang binubuo ng lima o higit pang mga screenshot na may itinatakdang “constraint” o kaya’y tema. Sa set na ito, ang mga rebyung “hidden” (hindi lang nakatago kundi itinago ng app) ang palilitawin. Muling nagkaespasyo ang mga rebyung iwinala o itinago (sadya man ng tao o awtomatisado ng programa) sa konstruksiyon ng manuskrito ng “sensoradong konsumérebyu: mga sampol,” kung saan sila makapagpaparamdam. Tinalakay sa talang “Impertinensiya at Kawalang-bisa” na ang orkestradong digital na pagmumultong ito ng mga iwinalang piraso ng rebyu ay halimbawa ng tinatayang “halaga” ng mga anyong mala-pampanitikan sa lipunan at rekognisyong malapampanitikan “lang” naman ang mga ito, kung kaya’t kalabisan ang atake rito sa pamamagitan ng sensura. Higit 20 na rebyu ang tampok sa akdang set.