Tungo sa Posibilidad ng Apokalipsis: Pelikula at Kritisismo, Palabas at Paloob

Problematiko ang pagkukulong sa representasyon ng apokalipsis bilang “panghinaharap na palagay” sapagkat inilalayo ng ganitong paradigma ang dalumat na ito mula sa pangkasalukuyang karanasan nito sa iba’t ibang anyo sa iba’t iba ring dimensiyong pang-espasyo. Sa pagkiling sa paghaharaya sa apokalips...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Benitez, Christian Jil R.
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2017
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol2/iss1/7
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1071/viewcontent/Katipunan_202_202017_207_20Article_20__20Benitez.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Problematiko ang pagkukulong sa representasyon ng apokalipsis bilang “panghinaharap na palagay” sapagkat inilalayo ng ganitong paradigma ang dalumat na ito mula sa pangkasalukuyang karanasan nito sa iba’t ibang anyo sa iba’t iba ring dimensiyong pang-espasyo. Sa pagkiling sa paghaharaya sa apokalipsis alinsunod lamang sa pantastikong palaugnayang, nakapangyayari ang pagkahumaling sa umaatikabong pagtatapos sa hinaharap: ang pagdating ng mga halimaw, ang pagbuka ng lupa, ang paghagupit ng delubyo, ang pag-ulan ng apoy. Peligroso ang pagkahumaling na ito sapagkat naisasahangganan nito ang imahen ng apokalipsis bilang pawang nasa wangis ng mga nabanggit. Sa pagsasahangganang ito, natuturol bilang kabalintunaan higit sa anupaman ang anumang tangkang representasyon sapagkat sa katiyakan sa mga pagpapalagay na nakahabi sa ginagawang representasyon, nabubura ang kawalang-katiyakan sa pakahulugan sa apokalipsis. Kritikal kung gayon para sa kabalintunaang ito ang kritisismo: ang pagpaparating ng krisis sa ipinagpapalagay na katiyakan; isang apokalipsis: paglalahad ng posibilidad.