Binagyong mga Pahina: Pagsibol ng mga Akdang Pambatang Filipino Hinggil sa Kamalayang Pandisaster, 2010-2016

Bilang pagsasalikop ng kapanahong kasaysayang pampanitikan at ekokritisismo, iginigiit ng pag-aaral na ito na namukadkad ang panitikang pambatang Filipino na pumapaksa sa disaster ng mga bagyo noong panahon ng pamamahala ni Pangulong Benigno S. Aquino III (2010-2016). Maihahanay sa mga salik ng pamu...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Bolata, Emmanuel Jayson V.
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2019
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol4/iss1/4
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1089/viewcontent/Katipunan_204_202019_204_20Mga_20Artikulo_20__20Bolata.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Bilang pagsasalikop ng kapanahong kasaysayang pampanitikan at ekokritisismo, iginigiit ng pag-aaral na ito na namukadkad ang panitikang pambatang Filipino na pumapaksa sa disaster ng mga bagyo noong panahon ng pamamahala ni Pangulong Benigno S. Aquino III (2010-2016). Maihahanay sa mga salik ng pamumukadkad na ito ang malaganap na kalunos-lunos na karanasan sa pananalasa ng mga bagyo tulad ng super typhoon Yolanda, ang aksiyon (at kawalang-aksiyon) ng gobyerno, at personal na obserbasyon ng mga manlilikha ng akdang pambata. Gamit ang berbal-biswal na panunuri sa mga piling picturebook, tatalastasin ang mga dalumat ng vulnerabilidad at resilience na taglay ng mga akda, na magpapasibol ng mga pagmumuni sa gampanin ng mga akdang pambata sa kaalaman at kamalayang pandisaster.