Ang Birhen at ang Hari ng mga Bagyo

Kung nanaiisin ng isa na maunawaan ang relasyon sa pagitan ng mga lipunang Pasipiko at mga panahong humubog sa kanila, kinakailangang tuklasin ng isa ang mga kalayuang temporal at tropiko na namamagitan sa modernong kaalamang meteorolohiko at katutubong karunungang umiiral sa tabi nito. Sapagkat sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Lacuna, Isa
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2019
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol4/iss1/8
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1093/viewcontent/Katipunan_204_202019_208_20Mga_20Artikulo_20__20Lacuna.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Kung nanaiisin ng isa na maunawaan ang relasyon sa pagitan ng mga lipunang Pasipiko at mga panahong humubog sa kanila, kinakailangang tuklasin ng isa ang mga kalayuang temporal at tropiko na namamagitan sa modernong kaalamang meteorolohiko at katutubong karunungang umiiral sa tabi nito. Sapagkat sa huli, ang panahong Pasipiko ay isang heohistorikong karanasan, umiiral bago pa man ito naging obheto ng pagaaral ng kontemporanyong kaabalahang pangklima, at kinakailangang makitunggali ng ekokritikal na pag-unawa ng panahon sa maraming paghilig na mayroon sa kasaysayan ng diskursong ito. Tinatangka ng artikulong ito ang gayong layunin sa pagkilatis ng mga tropong matatagpuan sa dalawa sa pinakakilalang relihiyosong alamat ng rehiyon, ang kay Virgen del Rosario at kay Bernardo Carpio, at pagsuri ng mga pagkakatulad at pagkakaibang matatagpusan sa pagitan nila. Sa pamamagitan ng mahambing na pamamaraan, tumutungo ang sanaysay na ito sa isang kabatiran hinggil sa relasyon ng lipunang Tagalog sa palagiang sakuna, isang pag-unawa na ang anumang hinaharap na mahalagang asahan ay kinakailangang makisangkot at makitaya sa kinabukasan, o ang walang tinag na kabukasan hinggil sa ating kagila-gilalas at makasaysayang relasyon sa panahon at sa lahat ng kalalabasang kaakibat nito.\