Ang Dalumat ng Loob sa Musika ng SB19

Sa mga umiiral na grupong idol sa Pilipinas sa kasalukuyan, ang tinaguriang “P-pop Kings” na SB19 ang isa sa mga nakapagsakatuparan sa pagdedekolonisa, pagsasa-Pilipino, at pagdedemokratisa sa musikang Pop (Navarro at Santos). Bilang pagpapalawig sa paggalugad sa mga aspekto ng pagsasa-Pilipino sa m...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Navarro, Atoy M., Santos, Mark Joseph P.
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2025
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/3
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1106/viewcontent/Katipunan_2012.1_202024_20__20Navarro_20at_20Santos_20__20Ang_20Dalumat_20ng_20Loob_20sa_20Musika_20ng_20SB19.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Sa mga umiiral na grupong idol sa Pilipinas sa kasalukuyan, ang tinaguriang “P-pop Kings” na SB19 ang isa sa mga nakapagsakatuparan sa pagdedekolonisa, pagsasa-Pilipino, at pagdedemokratisa sa musikang Pop (Navarro at Santos). Bilang pagpapalawig sa paggalugad sa mga aspekto ng pagsasa-Pilipino sa musikang Pop, layon ng papel na ito na ilapat ang isang partikular na Filipinong dalumat sa pagpapakahulugan sa mga awitin ng SB19—ang dalumat ng loob, na dumaan na sa mayamang teoretisasyon mula sa mga Filipinong pantas (e.g. Mercado, Covar, Alejo). Yamang tinatangkang katawanin ng mga awitin ng SB19 ang kalinangan at lipunang Filipino, nababagay lamang din ang gamiting kasangkapang hermeneutiko sa pagpapakahulugan sa mga awiting ito ay dalumat na may malalim na pagkakaugat at kalaganapan sa kalinangan at lipunang Filipino. Isasagawa ang hermeneutika ng loob sa awitin ng SB19 sa pamamagitan ng apat na lapit sa pagbabasa ng teksto— tekstuwal, kontekstuwal, subtekstuwal, at intertekstuwal (Navarro “Kasaysayan”; Evasco, et al.). Sa partikular, ilalapat ang ganitong mga lapit sa pagbabasa sa sumusunod na awitin ng SB19: “Tilaluha” (sakit ng loob), “Go Up” (tatag ng loob), “MAPA” (utang na loob), “Mana” (lakas ng loob at kababaang-loob), “Kapangyarihan” (sama ng loob), “GENTO” (tibay ng loob), at “Liham” (pagkakaisang-loob).