Ang Buhay Trainee ng mga P-pop Idol

Sa mga nakaraang taon, ang P-pop o Pinoy Pop ay umiingay hindi lamang sa bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo salamat sa ambag ng SB19, ang unang Filipinong grupo na nakatanggap ng nominasyon sa “Top Social Artist” category ng 2021 Billboard Music Awards. Dahil na rin sa kanilang tagumpay ay...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Villano, Consuelo Alexa Regina V.
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2025
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/4
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1107/viewcontent/Katipunan_2012.1_202024_20__20Villano_20__20Ang_20Buhay_20Trainee_20ng_20mga_20P_pop_20Idol.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Sa mga nakaraang taon, ang P-pop o Pinoy Pop ay umiingay hindi lamang sa bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo salamat sa ambag ng SB19, ang unang Filipinong grupo na nakatanggap ng nominasyon sa “Top Social Artist” category ng 2021 Billboard Music Awards. Dahil na rin sa kanilang tagumpay ay sunod-sunod na rin ang iba’t ibang grupong P-pop na umuukit na rin ng kanilang mga pangalan sa lokal at global na entablado. Bago pa man matikman ang tagumpay, gayunman, ay dumaraan muna ang naturang mga grupo sa matitinding pag-eensayo, halintulad sa mga kuwento ng mga grupong K-pop na dumaan din sa ganitong proseso bago maipakilala sa mga potensiyal na tagatangkilik. Layon ng papel kung gayon na ipakita ang dinamika ng buhay trainee ng P-pop idols, mula sa pagsasanay nila sa pagsayaw, pagkanta, pag-arte, at maging sa personality development, hanggang sa pagproduce mismo ng mga album. Alinsabay ding itatampok kung papaanong naiiba ang mga grupong P-pop sa mga grupong K-pop sa aspekto ng pag-eensayo. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng panayam sa tatlong grupong P-pop na VXON, YARA, at Press Hit Play, na may edad 20 pataas ang bawat miyembro, mailalahad ang mga naratibo ng kanilang mga pangarap na makatungtong sa entablado, ang suporta ng mga tagahanga na nakapagpapalakas ng kanilang mga loob, pati na rin ang iba’t ibang sakripisyo na kanilang dinaranas upang matupad lamang ang pangarap nila na maging mga idolong performer.