Ang Alamat ng “Dong-Dong-Ay”: Ang Grupong ALAMAT at ang Popularisasyon ng Tradisyonal na Kultura ng Kordilyera sa Pamamagitan ng P-pop
Nobyembre at Disyembre 2023 nang maging usap-usapan sa mundo ng social media ang awiting “Dong-Dong-Ay” ng grupong ALAMAT. Ang “Dong-Dong-Ay” ay ang panghuling awit mula sa kanilang kaunaunahang full-length album na pinamagatang Isa Puso. Ang nasabing kanta ay hango mula sa awiting salidummay na isa...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Archīum Ateneo
2025
|
Subjects: | |
Online Access: | https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/7 https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1110/viewcontent/Katipunan_2012.1_202024_20__20Verzola_20__20Ang_20Alamat_20ng_20_E2_80_9CDong_Dong_Ay_E2_80_9D.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | Ateneo De Manila University |
Summary: | Nobyembre at Disyembre 2023 nang maging usap-usapan sa mundo ng social media ang awiting “Dong-Dong-Ay” ng grupong ALAMAT. Ang “Dong-Dong-Ay” ay ang panghuling awit mula sa kanilang kaunaunahang full-length album na pinamagatang Isa Puso. Ang nasabing kanta ay hango mula sa awiting salidummay na isang uri ng tradisyonal na awitin na popular sa mga katutubong mamamayan ng rehiyong Kordilyera sa Hilagang Pilipinas. Mula nang lumabas sa YouTube ang bidyo ng kanilang pagtatanghal ng “Dong-Dong-Ay” sa programang Rappler Live Jam, tila hindi na mapigilang apoy ang pagkalat ng awiting ito sa TikTok, Facebook reels, Instagram reels, YouTube shorts, at X o dating Twitter. Marami na rin ang gumamit sa awiting “Dong-Dong- Ay” sa kanilang mga post at bidyo na may iba’t ibang nilalaman at anyo. Layon ng papel na ito samakatwid na maglahad ng pangkalahatang naratibo at panimulang pagsusuri sa iba’t ibang anyo at antas ng engagement sa social media sa awiting “Dong-Dong-Ay.” Sa matagal na panahon, ang pagsasalarawan ng kulturang popular sa rehiyong Kordilyera at sa mga mamamayan nito ay nakakulong sa mga pamamaraang hindi naitatanghal nang husto ang kasaysayan at panlipunang konteksto ng nasabing lunan at mga tao, at kung minsan pa’y nagpapakalat ng mga maling impormasyon. Ang pagsikat ng “Dong-Dong-Ay” sa social media kung gayon ay nagbibigay ng malaking puwang at pagkakataon upang mapag-usapan ang Kordilyera sa nibel ng musika at kulturang popular. Ang higit na mahalaga rito, bilang huli, ay mga taga-Kordilyera na mismo ang nagpapalitan ng mga komento, pagtingin, at impormasyon hinggil sa pinapaksang awitin, na may kapasidad namang makapagbigay ng edukasyon sa mas malawak na publiko. |
---|