P-pop Bilang Teksto sa Klaseng Pampanitikan: Paggalugad sa mga Tema ng Kolonyalismo, Kolonyalidad, at Postkolonyalidad

Ang pag-usbong ng P-pop o Pinoy Pop simula 2020 sa Pilipinas, at kalaunan sa ibang bahagi ng mundo, kasabay ng paglaganap ng mga naunang kawangis na genre gaya ng J-pop at K-pop, ay nagpaunlad sa perspektiba ng mga Pilipino lalo na hinggil sa genre ng Original Pilipino Music o OPM. Sa kulturang popu...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Paz, Rafael Michael O.
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2025
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/8
https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1111/viewcontent/Katipunan_2012.1_202024_20__20Paz_20__20P_pop_20Bilang_20Teksto_20sa_20Klaseng_20Pampanitikan.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Ang pag-usbong ng P-pop o Pinoy Pop simula 2020 sa Pilipinas, at kalaunan sa ibang bahagi ng mundo, kasabay ng paglaganap ng mga naunang kawangis na genre gaya ng J-pop at K-pop, ay nagpaunlad sa perspektiba ng mga Pilipino lalo na hinggil sa genre ng Original Pilipino Music o OPM. Sa kulturang popular, ang isang talamak na pinaguusapan para sa mga tagasuporta at kapwa di-tagasuporta ng P-pop ay ukol sa kasanayan sa paglikha, pagka-orihinal, at pagiging katutubo, ng nasabing genre. Sa akademya naman, ang mga talakayan tungkol sa P-pop ay umiikot sa mga isyu ng pagkakakilanlan, multilingguwalismo, at dekolonisasyon. Sinusubukan ng papel na ito na magdagdag sa mga nabanggit na usapin sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga interseksiyon ng P-pop at panitikan. Gamit ang “kasmala,” isang awiting itinanghal ng grupong ALAMAT bilang lunsaran ng talakayan, ipinapakita ng papel kung papaanong maaaring gamitin ang P-pop upang makatuklas at makabuo ng intertekstuwal na mga relasyon sa pag-aaral ng panitikan, at upang maanyayahan din ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang kolonyal na kasaysayan at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga pagmumuni-muni na ito, mahahasa ng mga mag-aaral ang kanilang kritikal na pag-iisip at mga kasanayan sa panonood, alinsabay sa kanilang pagtuklas sa mga alternatibong paraan ng paglinang ng kanilang kaakuhan bilang mga Pilipino.